Hindi pa rin mawala-wala ang pang-iintriga ng mga netizen sa kumalat na litrato nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez habang magkasama sa isang bangka sa isang beach sa Palawan, noong Enero 2022.

Kasama nila sa naturang litrato ang co-stars nila sa nagwakas na teleseryeng 'Marry Me Marry You' na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache na nagka-developan umano habang nagte-taping sila, bagama't inamin naman nila sa panayam na matagal na silang may 'something' pero hindi nga lang daw binibigyang-pansin.

Screengrab mula sa IG/Techie Santos 7

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Screengrab mula sa IG/Techie Santos 7

Tanong ng bayan: ganoon na rin ba ang nangyari kina Paulo at Janine lalo't single na ang bagong Kapamilya actress?

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen.

"Wow!!! Saya naman magkasama ang mag-lovebirds! Sana true na!"

"Kinilig naman ako sa PauNine oh my god my heart."

"Wow Paulo at Janine sila na nga, kahawak si Paulo sa legs ni Janine..."

"Polo yata ni Paulo 'yan suot ni Janine..hay????? inlove na talaga. God bless Pau and Janine."

"Super happy lang talaga na nagkatotoo ang lahat."

Mukhang positibo naman dito ang marami lalo't nakita naman daw ang chemistry ng dalawa sa kanilang katatapos na serye.

Pero ang tanong ng bayan, mag-jowa na nga ba ang dalawa o lumabas lang sila 'as a friend'? Hindi rin kasi nakaligtas sa matatalas na mata ng mga netizen na nakahawak na umano si Paulo sa mga binti ni Janine, at may isa pang litrato ang aktres na suot-suot umano ang polo ni Paulo.

Saan ba kasi nanggagaling ang ganitong chika? Hindi kasi makalimutan ng mga tagahanga nila na inamin ni Paulo sa 'Marry Me Marry You' season 2 virtual media conference na nag-date na sila ni Janine noon.