Ibinahagi ni presidential aspirant at Senador Manny Pacquiao ang ilang mga video clip ng kaniyang pangangampanya sa iba't ibang lungsod at bayan sa Pilipinas para sa kaniyang kandidatura sa pagkapangulo.

Batay sa kaniyang mga Instagram post, bitbit ni Manny ang kaniyang tiwala sa sarili at tiwala sa Diyos na siya umano ang karapat-dapat na susunod na maging presidente, dahil mahal niya ang mga Pilipino gaya ng pagmamahal niya sa Poong Maykapal.

Aminado umano si Manny na mahirap ang daang kaniyang tinatahak subalit mas lalo umanong umaalab ang kaniyang puso na ipagpatuloy ang nakatakdang laban para sa bayan.

"Ang daan na ating tinatahak ay hindi madali. And i know that it's about to get tougher in the days ahead. Pero lalo lamang nitong pinasisiklab ang apoy sa aking puso," ani PacMan.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

"Tuloy ang pagtutol sa mga ganid at kawatan sa pamahalaan. Tuloy ang pagpapalawig sa mga proyektong ating nasimulan. Tuloy ang paglaban para sa kapakanan ng mga mahihirap."

Screengrab mula sa IG/Manny Pacquiao

Naging mainit ang pagtanggap sa Team Pacquiao sa lalawigan ng Rizal, Laguna, at maging sa Pateros.

Kasa-kasama niya sa lahat ng ito ang kaniyang very supportive na misis na si Jinkee Pacquiao.

Kahit na abala na sa pangangampanya ay hindi pa rin nakalilimutan ng mag-asawa na makipag-bonding sa kani-kanilang mga anak. Ipinakita ni Jinkee sa kaniyang Instagram post ang pagsasalusalo nilang mag-anak sa hapag-kainan.

Screengrab mula sa IG/Jinkee Pacquiao

At syempre, hindi rin nagpahuli ang Pambansang Kamao sa pakikipag-date sa kaniyang misis noong Valentine's Day.

"Wag ka nang maghanap ng ka-date sa Valentine’s Day dahil isang araw lang 'yun. ?"

"Ang hanapin mo ang makakadate at makakasama mo habambuhay @JinkeePacquiao ❤️."

"Sharing the love with everyone not just on this day but everyday. Happy Valentines Day po sa ating lahat!"

This image has an empty alt attribute; its file name is image-409-600x405.png
Screengrab mula sa IG/Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao