Sa isang Instagram Q&A session, natanong si Ellen Adarna ng isang netizen ukol sa plano nitong pagkakaroon ng anak kay Derek Ramsay.

“Are u and Derek planning to have a baby soon?” tanong ng kanyang follower sa Instagram nitong Lunes, Pebrero 21.

“When we are both ready dai, it will happen. Chill," sagot naman ni Ellen.

Matatandaang ikinasal ang dalawa noong Nobyembre 2021 siyam na buwan matapos kumpirmahin nito sa publiko ang kanilang relasyon. Isang enggrandeng wedding sa isang mamahaling resort sa Bataan ang nag-udyok sa dalawa na magpalitan ng “I do’s.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kamakailan ay isang sweet na sweet na Valentine’s Day post naman ang ipinaskil ni Ellen para sa asawa.

“Everyday is ❤️ day with you ❤️ OMG my forever valentine ??? i love you@ramsayderek07” caption ni Ellen tampok ang black and white photos nila ni Derek sa kanyang Instagram post.

Nauna nang sinabi ni Derek noong Enero na nais na rin niyang magkaroon ng anak na lalaki habang babae naman ang nais na baby number two ng aktres.

Kasalukuyan namang nasa puder ng mag-asawa ang cute na cute na anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz na si Modesto Elias.