Sa kabila ng maingay na chikang hiwalay na sila ng partner na si Trina Candaza at bumukod na ito kasama ang anak nilang si Mithi, ay nananatiling tikom ang bibig ng Kapamilya actor na si Carlo Aquino; hanggang ngayon kasi ay wala pa rin siyang kumpirmasyon kung trulalu ba ito.

Mukhang abala si Carlo sa kaniyang mga raket dahil matapos nga ang teleseryeng 'La Vida Lena' katambal si Erich Gonzales na malapit nang ikasal, si Maris Racal naman ang makakatambal niya para sa romantic comedy (rom-com) series na 'How to Move On in 30 Days' na partnership ng ABS-CBN at YouTube channel, na kauna-unahang mangyayari sa pagitan ng isang TV network at naturang American online video sharing and social media platform.

Batay sa mga ibinabahaging Instagram posts ni Carlo, sa La Union pala ang kanilang shooting place. Makikita sa kaniyang background umano na nasa tabing-dagat siya.

May isa pa siyang Instagram post kung saan makikitang nakahawak siya sa isang vintage na motorsiklo.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

May caption itong "With you. Summers with you, sunrise and sunsets with you, road trips with you, sippin coffees with you."

Screengrab mula sa IG/Carlo Aquino

Nagkomento naman dito ang aktor na si Adrian (Luis) Alandy at ang segment producer sa ABS-CBN na si Darla Sauler. Marami naman sa mga netizen ang nagpaabot ng kanilang paghanga kay Carlo, na nagsimula bilang teen star, subalit makalipas ang ilang taon ay tila hindi raw kumukupas ang 'bagets looks' nito.

"My first love. Hahaha kainis ang pogi mooo. Kung mabasa man ng asawa ko, sorry na agad."

"We love you Carlo."

"Okay lang ako ipagpalit kung ganito kapogi. Chariz! Haha."

"9 palang ako crush na kita ? kaya sana maging forever mo si Trina."

Ngunit kung may mga nagpahayag ng paghanga, may ilan ding nang-intriga pa sa kaniya. Sino raw ba ang sinasabihan niya na 'With you' sa IG post: ang motorsiklo niya, si Trina, o iba pa?

"Sino ba yang with you na yan baka hindi yung motor ha."

"With you Trina and Mithi, haaaayyy sana lang."

"Sino jan si with you!"

"Waiting kung sino si with you."

"Only with miss trina and mithi lang po please."

"Kasi hiniwalayan ka kaya yan na lang."

Unang pumutok ang mga balitang baka hiwalay na ang Kapamilya actor na si Carlo Aquino sa partner niyang modelo na si Trina Candaza nang mapansin ng mga 'Marites' na wala silang posts na magkasama sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Subalit noong Enero 13 ay pareho silang nag-post ng litrato para sa paid partnership/endorsement ng isang produktong diaper, kasama ang kanilang baby girl na si Mithi.

Noong Biyernes, Enero 28, 2022, may pasabog si Trina tungkol sa partner na may pinupuntahan umanong ibang babae. Aniya, hindi na raw magbabago ang isang lalaki na matagal nang sakit sa ulo, bagama't hindi naman niya binanggit kung ang tinutukoy ba niya ay si Carlo.

"You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya."

“Kung may pinupuntahan na agad na babae…"

“Wag na kayo umasang magbabago pa ‘yung jowa n'yo na sakit sa ulo, hindi na 'yan magbabago," ayon sa FB post ni Trina na talaga namang nakapa-juicy at kinuyog ng mga Marites.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/29/carlo-at-trina-hiwalay-na-ba-xian-gaza-dinadawit-si-angelica-panganiban/

Nadawit pa sa isyu ng kanilang hiwalayan ang dating katambal at ex-jowa ni Carlo na si Kapamilya actress Angelica Panganiban, batay sa pasabog ni 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza.

Mas lalo pang umingay ang isyu nang lumipat ng bagong bahay si Trina kasama ang anak.

Hindi naman pinalampas ni Trina ang isang komento ng netizen sa gitna ng usap-usapan sa umano’y hiwalayan nila ni Carlo Paratang kasi ng Marites, ‘karma’ ang nangyari kay Trina matapos ‘pumatol’ kay Carlo kahit na umano’y karelasyon nito si Angelica.

"Karma is a bitch talaga. Ayos lang 'yan! Pumatol ka nga kay Carlo noon, ng sila pa ni Angelica eh. Mas masakit talaga kapag binalikan ka ng karma doble yung sakit, Worst is, may anak pa kayo,” walang prenong komento ng isang netizen sa isang Facebook post ni Trina.

“Huh? Hindi naman sila nagkabalikan, sa ‘kin nag-commit ta’s ang labas ako pa ang nang-agaw,” palabang tugon ni Trina.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/30/trina-sa-paratang-ng-netizen-na-sinulot-niya-si-carlo-kay-angelica-hindi-sila-nagkabalikan/

Kamakailan lamang, pinag-usapan din ang tila parinig umano ni Trina tungkol sa 'tatay na may ibang iniisip na babae' sa kaniyang paggising.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/17/trina-candaza-may-cryptic-ig-story-tungkol-sa-tatay-na-paggising-ibang-babae-ang-iniisip/

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag dito si Carlo Aquino o si Angelica Panganiban.