Tapos na ang Valentine's day subalit hindi pa rin mawala-wala ang kilig sa mga netizen sa pasabog na paandar ni celebrity doctor Hayden Kho para sa kaniyang misis na si Dra. Vicki Belo.

Sa latest vlog ni Dra. Belo na "Fulfilling the last item on my bucket list," ibinahagi niya kung paano siya binigyan ng paandar na Valentine surprise ni Doc Hayden. Isang mamahaling kotse na 'Bentley' ang regalo nito sa kaniya, na matagal na matagal na raw inaasam-asam ni Dra. Vicki, kaya lang, kahit mayaman na siya ay namamahalan pa rin siya rito.

Hayden Kho (Screengrab mula sa YT/Dra. Vicki Belo)

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

Pambubuking ni Doc Hayden, galing sa anak nilang si Scarlet Snow ang ideya na Bentley car ang iregalo sa kaniyang ina.

Bago ipakita ni Hayden ang mismong regalo ay may mga pasakalye muna siya: sa dulo, iniabot niya ang kahon na naglalaman ng mga pulang bulaklak, at sa ilalim nito ay isang susi ng kotse.

"Wow oh common you’re joking!” bulalas ni Dra. Vicki.

“Scarlet look, it’s Belo! Bentley! (sabay baling sa asawa), Are you serious?” sabi naman niya sa anak.

Iginiya naman ni Hayden ang misis sa entrada ng hotel kung saan nakaparada ang bagong Bentley car na tinanggalan ng takip.

“Is this for real?” hindi makapaniwalang untag ng doktora sa mister.

“Yes my love,” tugon naman nito.

Matapos sipat-sipatin ang kotse, sinabi ni Dra. Belo na ito ang kaniyang dream car pero dahil nga pagkamahal-mahal, hindi matuloy-tuloy ang pagbili niya rito.

"And I know it’s a car that you will never buy for yourself. So, I thought you have been granting and fulfilling the wishes of so many people, from people who are important who can’t do anything for you, you make their wishes come true like a fairy godmother. So, I though it’s about time somebody grants your wish naman," pahayag ni Doc Hayden.

“Wow, unbelievable! You know I can’t buy this because it’s too mahal! I look every year but it’s always too mahal. ‘Coz ‘you love me, thank you,” sey pa ng doktora sabay sandal sa dibdib ng mister.

Ngunit magkano nga ba ang halaga ng naturang Bentley car?

Totoo ang sinabi ni Dra. Belo na lubhang napakamahal nito. Ayon sa mga lumabas na ulat, ang biniling Bentley ni Doc Hayden para Bentley Flying Spur, isa sa mga 'most expensive cars' sa local market na tinatayang aabot sa ₱25M.

Batay pa sa ulat, ang naturang Bentley Flying Spur ay isang luxury saloon na pinagagana ng 6.0 litre W12 engine na maaaring tumakbo mula 0 hanggang 100 km/h sa loob ng 3.8 seconds. Ito ay naibenta umano kay Hayden ng PGA Cars, kaparehong kompanya na nagbebenta ng Porsche at Audi cars.