Ibinahagi ng aktres na si Meg Imperial ang isang video na nagpapakita ng kaniyang sexy body habang nakasuot siya ng black bikini habang palakad-lakad sa isang fully-furnished room, na hindi naman tukoy kung sa hotel ba o sa mismong bahay niya. May background music itong 'Easy on Me (Remix) ni Will Gittens.

Screengrab mula sa IG/Meg Imperial

Umani naman ito ng iba't ibang positibong reaksyon mula sa mga netizen.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

"Love it!! Gusto ko yung may pa-pwet sa una and yung curtain biglang sumara tapos todo hawi ka @coco.natty ??? effort is real!"

"You are gorgeous… absolutely wonderful❤! Take care of yourself."

"Sexy talaga!"

"So hot!"

"Galing mo idol!"

Ngunit sadyang kung may mga taong todo-papuri ay may mga tao rin namang mapamintas. Isang 'body shamer' ang nagkomentong wala man lamang daw korte sa kaniyang katawan si Meg.

"Ate wala ka kakorte korte," okray nito sa comment section.

Maayos at magalang naman itong sinagot ni Meg

"And your point dear?"

Tumugon naman nang may 'paggalang' pa ang basher.

"Just saying po (heart emoticon)."

Pero sa bandang dulo ay bumanat na naman ito.

"Mas malaki pa balikat mo sa balakang mo."

Screengrab mula sa IG/Meg Imperial

Hindi na ito pinatulan pa ni Meg Imperial na nakilala sa teleseryeng 'Moon of Desire' sa ABS-CBN noong 2014 bago lumipat sa GMA Network.

Sa Marso 4, mapapanood na ang pelikula nila ni Tom Rodriguez na 'The Last Five Years' sa Vivamax.