Usap-usapan pa rin hanggang ngayon ang naispatang hawak na 500ml Prada Stainless steel water bottle na kulay-gold, ni Kapuso actress Bea Alonzo nang magsadya siya sa 'The Aivee Clinic' noong Pebrero 14 para sa kaniyang pagpapa-byuti.

"@beaalonzo is preparing for her Valentine beach trip with a visit at @theaiveeclinic! There’s no better way to put her skin forward than with a combination of her go-to face and body skin tightening treatments!" saad sa caption na makikita sa opisyal na Instagram page ng beauty clinic na madalas puntahan ng mga celebrity.

Ayon pa sa post, ang skin care treatment kay Bea nang araw na iyon ay vixen arms at tempsure.

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

Bea Alonzo (Screengrab mula sa IG/The Aivee Clinic)

Bea Alonzo (Screengrab mula sa IG/The Aivee Clinic)

Anyway, mas umagaw sa pansin ng mga netizen ang hawak-hawak niyang Prada steel water bottle, na batay sa ulat ay nagkakahalaga umanong NT$3,900 o nasa ₱7,194 ang naturang water bottle habang isinusulat ang balitang ito. Yayamanin talaga!

Screengrab mula sa Prada

Narito ang mga reaksyon at komento ng mga netizen:

"Heart Evangelista left the group."

"Nasampal na naman ako ng kahirapan! Slapsoil na talaga ako."

"Pag sa ganyan ka ba uminom, magiging kasingganda mo na si Bea Alonzo?"

"Mas masarap ba tubig niyan. Too much luxury."

Well, marami naman talaga sa big celebrities na kagaya ni Bea ang mayroong koleksyon ng mga luxuries item, at ipinagmamalaki nila itong i-flex sa kani-kanilang social media accounts dahil bunga ito ng kanilang pagsusumikap at pagsisipag sa industriyang kanilang ginagalawan. Naghahatid ito ng inspirasyon sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta.