Nakatakdang lumipad patungong Dubai ang magkapatid na si Toni at Alex Gonzaga para magtanghal sa World Expo 2020 sa darating na Marso 3.

Sa anunsyo ng Expo 2020 Dubai, kasama ng Gonzaga sisters ang The Voice Kids alumnus at “Buwan” hitmaker na si Juan Karlos.

??From the Philippines to Expo 2020 Dubai, GET READY to see the iconic, multi-talented, unmissable stars Toni & Alex Gonzaga perform live at the Jubilee stage, while joined by the incredible Juan Karlos, known for continuous reinvention in the music industry and unique, distinctive sounds that will dazzle us all!” mababasa sa caption ng Expo 2020 Dubai.

Noong 2013, naipanalo ng United Arab Emirates ang exclusive rights na itanghal sa Dubai ang World Expo para sa taong 2020. Dahil sa pandemya, patuloy na ginaganap ang Expo 2020 sa naturang bansa hanggang ngayong taon.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Tampok dito ang pagtatanghal ng ilang kilalang artists sa buong mundo. Kabilang sa mga suking performers sa World Expo ang mga Filipino artists kabilang na kamakailan si Darren Espanto, Bamboo, Moira, Gigi Delana, at ang bandang December Avenue.