Usap-usapan ngayon ang pagla-like ni Kylie Padilla, estranged wife ng aktor na si Aljur Abrenica, sa 'intimate beach video' na ibinahagi ng Viva sexy actress na si AJ Raval sa kaniyang Instagram account.

Sa uploaded video clip, makikitang isang babae ang binitbit paitaas at umangkas sa kanang balikat ng isang lalaking hubad-baro habang sila ay nasa beach. Bagama't walang caption at hindi tukoy kung sino-sino ba ang mga ito, ipinagpalagay ng mga netizen na ito ay sina Aljur at AJ mismo. Wala kasing face reveal at isa pa, naka-black and white ito.

Tumindi pa ang haka-haka na sila ni Aljur ang magkasama sa beach dahil sa February 12 IG post ni AJ kung saan makikitang nakasuot siya ng blue dress habang nasa beach.

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

Screengrab mula sa IG/AJ Raval

Screengrab mula sa IG/AJ Raval

Hindi nakalagpas sa mapanuring mga mata ng mga 'Marites' ang pag-like umano ni Kylie sa video na ito. Matatandaang sinabi na ni Kylie noong 2021, sa kasagsagan ng hiwalayan nila ni Aljur, na malaya na ang dating mister na makipag-date kahit kanino, at hindi rin si AJ ang dahilan kung bakit sila naghiwalay.

Nagkomento naman dito ang katambal ni AJ na si Sean De Guzman sa pelikulang 'Hugas'.

Subalit mukhang ayaw paawat ng mga netizen at tinadtad ng iba't ibang mga komento ang naturang IG post.

"At proud pa nga na kabetchi siya."

"Proud na proud pang manira ng pamilya ??????."

"Stay happy! ? Everything else is just background noise."

"Di ko alam kung iiyak ba ako o masaya para sa 'yo? support pa rin kita lods❤️ be happy kung saan ka masaya?."

"Happy for you, don't mind the bashers, stay strong, love you ate lods!❤️."

"Happy for you po stay strong aj and aa."

"Si Kylie na may sabi matagal na silang wala ni Aljur and they both agreed na pwede na sila makipag-date or makipagrelasyon sa iba. Bakit di kayo maka-move on? Hindi naman natin alam buong istorya nila. Tsk."

"Mga babae sasabihin na lang na malaya ka na kahit sa loob-loob nila hindi pa talaga, my part pa roon na gusto niya maayos kung gugustuhin lang ng lalake tumino asawa niya eh pero hindi mo pwedeng pilitin ang isang lalake kung ayaw niya na maayos pamilya niya kasi nga nabaliw na siya sa isang babaeng imbes na umiwas mas pinili pa din yung tawag ng kal*ndian."

Samantala, ipinaliwanag naman ni Aljur na kaya sila naispatang magkasama ni AJ sa isang hotel sa Leyte ay dahil sa raket na kanilang pinuntahan. Kumain, nagbihis, at nag-freshen up lamang daw sila roon, at dahil Valentine's Day, nahaluan na kaagad nang malisya ang kanilang litrato.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/17/aljur-nagpaliwanag-kumain-at-nagbihis-lang-sila-ni-aj-sa-hotel-to-freshen-up/">https://balita.net.ph/2022/02/17/aljur-nagpaliwanag-kumain-at-nagbihis-lang-sila-ni-aj-sa-hotel-to-freshen-up/

Makikita naman ang mga resibo nito sa mismong Facebook post ni AJ.