Hindi makapaniwala ang mismong inang si Ina Raymundo na mas matangkad pa sa kaniya ang anak na si Jakob, na 'big boy' at binatang-binata na tingnan, kahit 17 anyos pa lamang ito.

Ibinalandra ni Ina sa kaniyang Instagram post ang litrato nila ng anak na si Jakob na nagmukha raw niyang kuya. Kalakip din nito ang litrato ni Jakob noong sanggol pa lamang ito.

"The upside to having a tall son, he looks like my 'Kuya'," biro ni Ina na parang nakalaklak yata ng sandamakmak na tubig mula sa 'fountain of youth'.

"But on a serious note, where did my little munchkin go? ?#myonlysonshine #JakPot" takang tanong ni Ina.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ina at Jakob Raymundo (Screengrab mula sa IG/Ina Raymundo)

Jakob Raymundo (Screengrab mula sa IG/Ina Raymundo)

Sumang-ayon naman ang mga netizen at sinabing kung magtatabi raw sila ng anak ay mapagkakamalan silang magkapatid o kaya ay mag-jowa. Puwedeng-puwede raw mag-artista ang anak.

"Ang pogi!!!!"

"He’s so pogi Ms. Ina. And Yes! Also, if people don’t know he’s your son, he might think he’s your boyfriend. I stopped being sweet at the mall with my Dad when I got taller bec I had a hunch the people at the mall are thinking I’m in a relationship with a really older guy."

"Bakit po ang pogi!!!! Pwedeng pwede maging leading man sa mga Nicholas Sparks movies!!"

"Napakagwapo naman po ng anak n'yo."

"Sobrang hunk!"

Batak na batak na ang katawan ni Jakob dahil sa pagsasanay niya bilang international athlete sa sports na baseball. Sa darating na Abril 20 ay 18 anyos na ang anak kaya naman may mensahe si Ina para dito.

“You’ve grown from this cute, little (sleepyhead) munchkin, pumpkin pie into a 6 foot beast on the baseball field." You may be towering over your dad now but you’re still my baby. I will continue to hug you from behind while you play Fortnite and kiss your soft, baby scent hair.

“Please promise that you’ll be a secret Mama’s boy until at least you’re 18?"

“I know God is with you always and if it’s His will, you’ll grasp what you’ve been aspiring for. So dream big my son. Dream big. Mama & Dad love you so much."

“P.S. My birthday wish is for you to put your shirt on so you won’t get ‘sipon’ all the time. Pls!" saad ng Sabado night girl na si Ina.

Si Ina ay misis ng isang Canadian-Ukrainian na si Brian Poturnak. Bukod kay Jakob, ang mga bunga ng kanilang pagmamahalan ay sina sina Erika, Mikaela, Anika at Minka.