Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman si Cristy Fermin sa kamakailang paglalantad ng katawan ni Jake Zyrus matapos ang ilang taong transition. Gayunpaman, suportado ng veteran showbiz commentator ang transformation ng singer.

Inalala ng showbiz commentator ang kabataan ni Jake sa katauhan ni Charice Pempengco noon na nasubaybayan niya sa journey nito sa Little Big Star.

“Kapag lumalaban siya sa Little Big Star, nakikita ko nakabistida siya, nakasapatos na pambabae, naka-bobby sock… babaeng-babae,” ani Cristy sa kanyang programa sa Youtube nitong Lunes, Pebrero 21.

“Okay na sa akin yung mga asta niyang lalaking-lalaki na talagang hindi na siya babae pero nakakalungkot pala kapag nagkaroon ka ng rekoleksyon nung pagiging bata niya na nakikita mong babae siya,” sabi ni Cristy.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Larawan mula Instagram ni Jake Zyrus

“Lungkot na lungkot talaga ko nung makita ‘yan. Isipin mo no, si Charice noon, ganito na ngayon,” dagdag ng batikang showbiz columnist sa larawang nilantad ni Jake noong Sabado, Pebrero 19.

Basahin: Jake Zyrus, pinalaya ang sarili; transition ng katawan, nilantad sa social media – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Gayunpaman, alam ni Cristy na naging mahirap din ang pagpapasya ni Jake kaya't suportado pa rin nito ang transformation ng singer.

Larawan mula Instagram ni Jake Zyrus

“Pero ano po ang magagawa natin?” kambyo ni Cristy. “Siya na ang nagsasabi na maligaya siya sa itsura niya ngayon at komportable siya. Maibibigay po ba natin yun kay Jake Zyrus. Hindi naman di ba?” dagdag niya.

Muli ring binalikan ng Cristy ang naging agam-agam ni Jake sa iisipin ng tao sa pianghirapang transition ng kanyang katawan na “pinangarap niya.”

“Isipin mo kung ano talaga ang makakapagpaligaya sa tao, gagawin talaga niya,” paglalarawan ni Cristy sa naging journey ni Jake.

Inalala rin ni Cristy ang pagtutol ng pamilya ng noo’y si Charice na aniya’y siguradong nalulungkot din ngayon para pagbabago ng anyo ni Jake.

“Hindi ka paliligayahin ng pagpapanggap, ang makapagpapasaya lang po sa atin at tunay na kaligayahang mararamdaman natin [ang] pagiging totoo. At ito ang totoo, kailangan natin tanggapin kahit ayaw natin,” sunod na paliwanag ni Cristy bilang suporta kay Jake.

Nauna nang ibinahagi ni Jake sa panayam nito sa Toni Talks noong 2021 na hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan bago niya niyakap ang kanyang buong pagkatao.

"But to me, if you don't understand me, then maybe just be kind to me," ani Jake.