Masayang ibinahagi ng actress-model-host-entrepreneur na si Wilma Doesnt ang prenuptial photos nila ng fiance na si Gerick Pari nitong Pebrero 18, 2022 na ginanap sa Camp Dagos, Daraitan sa Tanay, Rizal.

Matagal umanong naghintay si Wilma bago mangyari ito.

"Happy friday!!!! Oh 'di ba!!! Finally!!! May maganda na kaming picture together na hindi ako basa!!! May mailalagay na ako sa wallet ko!!!" pahayag ni Wilma sa kaniyang Instagram post, kalakip ang mga litrato nila ni Gerick o 'Bebelub'.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Wilma Doesnt at Gerick Parin (Screengrab mula sa IG)

Wilma Doesnt at Gerick Parin (Screengrab mula sa IG)

Wilma Doesnt at Gerick Parin (Screengrab mula sa IG)

Wilma Doesnt at Gerick Parin (Screengrab mula sa IG)

Wilma Doesnt at Gerick Parin (Screengrab mula sa IG)

Ayon kay Wilma, 15 years daw ang hinintay niya bago mangyari ang pinakaaasam-asam niyang kasal nila ng jowa.

"15 yrs ang hinintay ko para sa pic na ito noh!!!!! Salamat sa lahat ng tumulong sa amin," pagpapasalamat ni Wilma.

Isa-isa niyang pinasalamatan ang mga taong nasa likod ng photoshoot.

"Photo-Chuckie Jude Samonte Zabella salamat sa walang sawa mong pagpapaakyat sa akin sa mga bati. Model ako ha, hindi rock climber!!!!"

"Video-Forevermine Wedding Films na feeling niya yung mga bato ay patag para patakbuhin kami nang nakapaa!!"

"Stylist-Omar Sali na sana ang gusto namin ni Bebelub ay simple at shorts lang.. but no!!! Ikaw na ang nag-decision kaya wala kami choice!!"

"Make up artist-Ray Bien Gonzaga Maglonzo salamat sa napakaraming chika at konting make up!!!! Waaaaa."

"Hairstylist-@keigh dones salamat sa patubig mo sa buhok ko!!"

"Coordination-@momentsbyruffa salamat sa pinadala mo, masaya sila at nakatulog nang maayos!!!!"

"Location-CAMP AGOS Daraitan salamat sa napaka warm welcome ninyo sa aming grupo!!!"

Ang kanilang magaganap na kasal ay may hashtag na #itDoesntmatterikawParin. Binibiro nga si Wilma dahil kahit na magpakasal sila ng jowa ay ganoon pa rin daw ang apelyido niya.

Noong Hulyo 2021 ay ibinahagi ni Wilma ang video clip ng sorpresang wedding proposal sa kaniya ng jowa, na kasa-kasama na niya sa bahay at buhay kapiling ang mga anak sa mga naging ex-jowa.

"Yes, of course!" bulalas ni Wilma sa kalagitnaan ng kaniyang hosting sa isang event na ginaganap sa isang resort.