Nangako ang presidential candidate na si Panfilo Lacson at ka-tandem na si Senator Vicente "Tito" Sotto na tutulungan ang mga magsasaka kapag nanalo sila sa 2022 National elections sa Mayo 9.

Sa kanilang pagbisita nitong Linggo sa Sta. Rosa sa Nueva Ecija, tiniyak ng dalawa na uunahin nilang bigyang-pansin ang sektor ng agrikultura na hindi umano nabibigyan ng pansin ng gobyerno.

Sa isang television interview, binanggit ni Lacson na susugpuin nila ang smuggling at kartel na nagpapahirap sa mga magsasaka sa bansa.

Aniya, matagal na itong problema ng bansa na hindi pa ring naaaksyunan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Hihimayin din aniya nito ang Rice Tariffication Law (Republic Act 11203) para na rin sa kapakanan ng mga magsasaka.

Sa panig naman ni Sotto, kumakandidato sa pagka-bise presidente, isusulong niya na bilhin ng pamahalaan ang 50 porsyento ng produksyon ng mga upang mapatatag ang presyo ng bigas sa merkado.

Sa kasalukuyang sistema aniya, dalawang porsyento lamang ng produksyon ng mga magsasaka ang binibili ng gobyerno kaya naghihirap pa rin ang karamihan sa mga ito.

Kilala ang Nueva Ecija bilang "Rice Granary" ng Pilipinas dahil na rin sa laki ng produksyon nito para sa katatagan at seguridad ng pagkain sa bansa.