Itinanggi na ng pulisya sa Bukidnon ang umano'y nangyaring "zombie attack" sa Valencia City na viral sa social media kamakailan.
Sa pahayag ni City Police chief investigator, Lt. Pablo Jugos, Jr., isa lamang umanong physical assault o pambubugbog ang insidente na naganap sa Barangay Tungan-Tungan ng siyudad nitong Pebrero 17 ng madaling araw.
Gayunman, aminado si Jugos na bihira ang nasabing insidente na kinasasangkutan ng dalawang lalaki dahil na rin sa kakaibang paraan ng pananakit ng suspek.
Nakakulong na aniya ang suspek sa Valencia City Police Station na nakilalang siCarl Clinton Colinas, 25, taga-Brgy. Saligan ng nabanggit na lungsod matapos madakip kasunod ng insidente.
Isinugod aniya sa isang ospital ang biktimang kinilala ng pulisya na siAnthony Arimas, 30, taga-Brgy. Tungan-tungan, dahil sa nabaling mga daliri, mga sugat at bugbog sa iba't ibang bahagi ng katawan.
Aniya, hindi na siya magtataka kung viral ang insidente sa social media dahil bukod sa pambubugbog, tinusok din ng suspek ang mga mata ng biktima (sa pamamagitan ng kanyang mga daliri), pinagpapalo ang mga dalili at sinipsip pa ang dugo.
"uring my interview with the victim, the suspect accordingly mauled him, pierced his eyes with his fingers, and sucked his blood," paliwanag ni Jugos.
Sa paunang imbestigasyon aniya, nakarinig aniya si Arimas ng mga sumisigaw pasado 1:00 ng madaling araw.
Nang lumabas, nakita niya ang suspek na hubo't hubad at tumatakbo habang hinahabol ng mga residente.
Depensa naman ni Jugos, kaya lamang nagpapaita ng pagka-agresibo ng suspek dahil nag-away umano sila ng kanyang live-in partner.
Bukod dito, nanggaling na rin sa rehabilitation center si Colinas dahil sa paggamit ng iligal na droga.
Gayunman, nabura ang lahat ng pahayag ni Jugos nang pabulaanan ito ni Colinas at sinabing naka-inom lamang ito.
Kaagad na inaresto si Colinas matapos maalerto ang mga pulis sa insidente.
Kaugnay nito, nanawagan naman si Jugos sa publiko na huwag nang palakihin ang usapin at huwag nang ikalat sa social media ang mga impormasyong hindi totoo.
"The chief investigator urged the public to refrain from exaggerating information and stop spreading unverified information on social media to prevent panic.The people must not worry as there was no zombie attack that happened in the city. We must be very careful in sharing information, especially on social media. The police will always provide intensive security to protect the residents," sabi pa nito.
Inihahanda na rin aniya ang kaso laban sa suspek.
PNA