Nagreact na ang asawa ni Yeng Constantino na si Yan Asuncion sa viral “YengBang” love story sangkot si Ryan Bang kamakailan. Pagbubulgar naman ng Kapamilya singer, hindi niya pala ito minsan nabanggit noon sa asawa.

Muling binalikan ni Yeng ang pinag-usapang YengBang love story kamakailan sa isang It’s Showtime kung saan naungkat ang past nila ng host na si Ryan Bang.

Inamin ni Yeng na humingi rin siya ng tawad kay Ryan matapos tila ma-“caught off guard” sa kanyang hirit sa TV.

“Kasi naman ang daldal ko talaga. Mali talaga ‘yun. Parang hiniritan ko pa siya sa TV. Medyo mahilig din kami ng chismak sa [It’s] Showtime so napag-usapan,” ani Yeng sa naganap na online press conference para sa pinakabagong collaboration nila ni Gloc 9.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Pero sobrang happy siya kasi hindi talaga kami nag-uusap,” dagdag ni Yeng.

Pagbabahagi pa ng singer, talagang mailap sila sa isa’t isa noon ni Ryan kasunod ng pagtatapos ng kanolang pagkakamabutihan noon.

“I’m really glad na napag-usapan yun kasi ako may natutunanan ako, may natutunan siya. Tapos bonus na yun na may natutunan ang tao yung importance ng communication,” paliwanag ni Yeng habang dinagdag niyang mahalagang mapakinggan ang bawat panig para sa mas epektibong komunikasyon.

Nang tanungin naman kung ano ang naging reaksyon ng asawang si Yan. Pagbabahagi ni Yeng, naki-emphatize ito sa sitwasyon.

Basahin: Sino nga ba si Yan Asuncion, ang ka-‘Hawak Kamay’ ni Yeng Constantino habambuhay? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Naki-emphatize siya kasi pinakinggan niya yung dalawang araw na interview ni Vice sa amin,” ani Yeng.

“Grabe pala ang pinagdaanan niyo, naintindihan ko,” nasabi pa raw ng asawa ni Yeng.

“Hindi seloso ang asawa ko. Sobrang trus[ed] niya talaga ako,” sabi ni Yeng.

Gayunpaman, tinanong pa rin daw siya ni Yan ukol dito.

“Meron pa lang ganyan. Ba't ‘di mo sa akin sinabi?” usisa ni Yan kay Yeng.

Dahil nga matagal na rin, nawala na umano sa isipan ni Yeng ang past nila ni Ryan dahilan para hindi na ito maikuwento sa asawa.

Taong 2015 nang ikasal si Yeng at Yan sa Cavite.