Nakakaloka naman talaga ang mga naglalabasang movie poster ni Wilbert Ross para sa pelikulang 'Boy Bastos' na mapapanood sa Vivamax.

Talagang umaariba ngayon ang showbiz career ni Wilbert, matapos ang kaniyang pelikulang 'Crush Kong Curly' katambal ang sexy actress na si AJ Raval.

Hindi naman daw siya nagdalawang-isip nang i-alok sa kaniya ang proyekto, lalo't nang mabasa niya ang script ay nagandahan siya sa kuwento.

“Hindi ko po maayawan kasi ang ganda po ng script. Hindi naman po siya bastos kapag napanood n'yo ang movie dahil sexy comedy film naman po siya at magaling si Direk,” sey ng dating Hashtags member.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Wilbert Ross, Rose Van Ginkel get into kinky mishaps in 'Boy Bastos' –  Manila Bulletin
Screengrab mula sa FB/Wilbert Ross

At take nte ha, may pa-butt exposure dito si Wilbert na talaga namang hinihintay ng mga 'laway na laway' at 'takam na takam' na sa kaniya, nang mapanood siya sa pelikula nila ni AJ Raval.

“Ginawa ko na po rito yung makakaya ko. Ipinakita ko na po sa ‘Boy Bastos’ ang aking pwet. Hindi lang po isang eksena, kung ano-ano pa."

Eh ang tanong, handa na ba niyang ibuyangyang ang kaniyang 'notabels' kagaya ng ginagawa ng ibang palabang Viva artists?

“Naku! Hindi po! Hindi ko pa po kaya! Hindi pa po talaga!" natatawang sey daw ni Wilbert.

Screengrab mula sa FB/Wilbert Ross

Samantala, sinabi naman ni Wilbert sa kaniyang Instagram story na kahit 'Boy Bastos' ang pamagat ng pelikula niya, hindi naman daw niya naramdaman ang kabastusan sa kabuuan ng pelikula.

"Boy Bastos now showing. Sorry pero kahit ganyan yung title, 'di ko naramdaman yung salitang bastos sa pelikulang 'to," aniya.

Screebgrab mula sa IG/Wilbert Ross

Mukhang nabigyan din siya ng pagkakataong makasulat ng kanta at magamit bilang background music sa ilang mga eksena. Bukod sa pag-arte ay singer din kasi si Wilbert. Naiyak daw siya dahil dito.

"Literally crying na pinapanuod ko sarili umaarte habang naririnig ko dalawang kanta na sulat ko sa background music," aniya.

"Thank you po Lord!"

"Direk, thank you sobra! I'm still crying right now," dagdag pa niya.

Screebgrab mula sa IG/Wilbert Ross

Kasalukuyan nang mapapanood sa Vivamax ang 'Boy Bastos'.