Halos mapuno ng pang-ookray ang comment section ng YouTube channel ni Kapuso actress Bianca Umali na may 63.9K subscribers matapos niyang i-anunsyo ang mechanics para sa kaniyang channel art contest noong Pebrero 5, 2022.

Screengrab mula sa YT/Bianca Umali

"I am personally asking for your artwork to be in my YouTube channel," panimulang saad ni Bianca. Maya-maya ay inisa-isa na niya ang mechanics.

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!

"Step 1, this contest is open for everyone. Step 2, all entries, digital, hand drawn, or any art form must follow the dimensions of YouTube channel art," at ipinakita niya ang template na gagamitin.

Para sa step 3, pinapa-email niya ang mga entries sa ibinigay niyang e-mail address, kalakip ang pangalan, account name, deskripsyon ng artwork, at ang mismong artwork. Step 4 naman, nagbigay siya ng deadline ng pagpapasa hanggang Pebrero 9, 2022.

Subalit tila hindi nagustuhan ng mga artist na sa loob ng 1 minuto at 21 segundong haba ng kaniyang mga sinabi, wala siyang nasabi kung magkano ang premyong matatanggap ng/mga mananalo. Ang sinabi lamang niya ay pipili siya ng top 10 at ihahayag ang mga winners sa susunod na vlog.

Bilang respeto umano sa mga pinaghirapan ng artists, sana raw ay may premyo ito o may commission.

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen:

"Just like a fellow artist , you should probably know by now that exposure doesn't bills ?."

"Damn art contest without a prize is not a contest."

"Just my opinion: So what's the prize for them? If you really value the artist then have a 'prize' for your winners. This is not just about voluntarily joining your 'contest' but being humane to the fans especially your ARTIST FANS. Some of them masaya na sa art materials giveaways so give at least something in return lalo na kung gagamitin mo sa YT."

"Calling this a contest is just an insult to anyone who has the misfortune of knowing of you."

"Can't you just provide a prize? Or even pay for a commission. Exposure as a prize is a bad practice, it can inspire other to do the same and invalidate the value of what an artist can offer."

"Nagpa-contest para makalibre ng artwork? Why not state the prize para mas maraming sumali at magka-interest? Problema sa ibang influencers, akala nila enough na yung shout out. Yes, it helps the artist/s to be recognized pero most artists are making arts for a living. Merong as a hobby, pero marami pa rin na ginagawang hanapbuhay yung ganito. And we, artists, spend money and time too, sa lahat ng artworks na ginagawa namin. Mapa hobby man yan or if you're making a living. We might give artwork/s for free, but it doesn't mean na sa lahat ng oras you can get them for free. If you need it, magpa contest ka na may premyo o di kaya magpa-commission ka."

Samantala, wala pang pahayag o tugon si Bianca hinggil sa isyung ito. Wala pa rin naihahayag na panalo.