Iba naman talaga ang level ng kasikatan at kapogian ni Kapamilya star Joshua Garcia!

Kahit mga kubyertos na nalawayan na nito ay handang bilhin at gamitin ng mga netizen na humahanga sa kaniya. Makikita kasi sa Facebook page ng 'Antonio Junior Lugaw-Pares Eatery' sa San Jose Del Monte, Bulacan ang mga litrato ni Joshua Garcia habang nakasuot ng uniporme ng pulis, nasa hapag-kainan, at lumalafang kasama ang aktor na si Jeffrey Santos, kapatid ni Judy Ann Santos. Mukhang nasa taping ito, na hula ng mga netizen ay 'Mars Ravelo's Darna: The TV Series' na pagbibidahan ni Jane De Leon.

"Joshua garcia and Jeffrey Santos kahit sila nasarapan sa AJ bagnet plain rice??," saad sa caption ng eatery nitong Pebrero 17, 2022.

"At ang kutsara na gamit ni Josh naitabi pa po namin ?."

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

"Kaya tara na (sa) Island Talipapa, Palmera, 588b, SJDM, 24hrs po kami??."

Screengrab mula sa FB/Antonio Junior Lugaw-Pares Eatery

May be an image of 6 people and people standing
Jeffrey Santos at Joshua Garcia (Screengrab mula sa FB/Antonio Junior Lugaw-Pares Eatery)

May be an image of 6 people and people standing
Jeffrey Santos at Joshua Garcia (Screengrab mula sa FB/Antonio Junior Lugaw-Pares Eatery)

May be an image of 11 people, people standing and outdoors
Jeffrey Santos at Joshua Garcia (Screengrab mula sa FB/Antonio Junior Lugaw-Pares Eatery)

May be an image of 9 people and people standing
Joshua Garcia (Screengrab mula sa FB/Antonio Junior Lugaw-Pares Eatery)

May be an image of 4 people, people standing and outdoors
Joshua Garcia (Screengrab mula sa FB/Antonio Junior Lugaw-Pares Eatery)

Pabiro pa nilang hirit, "Binebenta po namin ang pinagkainan n'ya hahaha."

Screengrab mula sa FB/Antonio Junior Lugaw-Pares Eatery

May be an image of 1 person and food
Screengrab mula sa FB/Antonio Junior Lugaw-Pares Eatery

Dumagsa naman ang mga netizen sa comment section. Tila bigla silang nagutom at nais nang dayuhin ang eatery. Ngunit ang 'nanalo' at umagaw ng pansin ay ang komento ng isang babaeng netizen.

"Pakitabi po ng spoon na ginamit ni Joshua, gagamitin ko po kapag kumain ako diyan 'wag n'yo na po hugasan hahaha," saad nito.

Ngunit mukhang 'Lotlot De Leon' ito dahil may nakauna na raw, hirit ng eatery.

"May nakauna na po sorry po haha," pabirong sabi nila.

Screengrab mula sa FB/Antonio Junior Lugaw-Pares Eatery

Sa kasalukuyan ay mapapanood si Joshua sa teleseryeng 'Viral Scandal' sa mga cable channel, free TV channel partnership at digital platforms ng ABS-CBN.