Tinadtad ng pamumuna mula sa mga netizen ang mag-jowang vloggers na sina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario matapos mabuking na ang vlog na nagpapakita ng sorpresa ni Antonette Gail kay Whamos ay scripted daw pala.

Mapapanood sa vlog ni Antonette Gail na namili siya ng Valentine's gifts na sapatos at sinturon para kay Whamos na ang tatak ay Louis Vuitton. Ayon sa video, ang sinturon ay nagkakahalagang ₱31,700 at ang sapatos naman ay nasa ₱50,000.

Screengrab mula sa IG/Antonette Gail Del Rosario

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Pag-uwi niya, makikitang tila nasorpresa si Whamos sa mga mamahaling regalo sa kaniya ng jowa.

Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario (Screengrab mula sa FB/Antonette Gail Del Rosario)

Ngunit isang netizen ang nagbahagi sa Facebook na nagbuking na kasama pala talaga si Whamos nang bumili ng mga regalo si Antonette; ito pa raw ang nagmaneho ng kotse at kumuha ng video habang namimili si Antonette Gail.

"Langyang content 'yan kunyari nasa bahay i-surprise pero siya rin taga video at driver nung namili," saad sa caption. Kalakip ng Facebook post ang mga litrato nina Whamos at Antonette Gail habang magkasama sila sa mall kung saan sila namili ng LV brands.

Screengrab mula sa FB/AS Jewel

May be an image of 4 people and people standing
Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario (Screengrab mula sa FB/AS Jewel)

Sa isang Facebook post ay agad na nagpaliwanag ang mag-jowa.

Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario (Screengrab mula sa FB)

"Nakita po namin yung kumakalat na… yung na sa Louis Vuitton, yung sinurprise at niregaluhan po niya ako sa bahay," paliwanag ni Whamos.

Paliwanag nila, balak talaga ni Antonette Gail na sorpresahin ang jowa, subalit nalaman daw ito ni Whamos. Dahil dito, sinamahan na lamang ni Whamos ang jowa sa pamimili at napagkasunduan na lamang nila na palabasing sorpresa ito. Nilinaw naman ni Whamos na hindi siya ang nagbayad sa mga ito kundi ang jowa, kahit itanong pa raw sa kahera na nag-assist sa kanila.

Gusto raw sanang ipakita ni Antonette Gail sa mga tao kung gaano niya kamahal si Whamos, na lagi nang nagbibigay ng sorpresa sa kaniya.

Gusto rin daw nilang ma-inspire ang mga babaeng jowa na hindi sa lahat ng pagkakataon, puro mga lalaking jowa lamang ang puwedeng magbigay ng sorpresa sa relasyon.

Humingi naman ng dispensa ang magjowa sa mga naimbyerna sa kanilang ipinakitang vlog.

Matatandaang naging kontrobersyal ang relasyon ng dalawa dahil menor de edad pa lamang noon si Antonette Gail nang maging sila ni Whamos, na humantong pa sa pagrereklamo ng ina ni Antonette sa programa ni Raffy Tulfo.

Subalit mukhang maayos na rin naman ang lahat dahil sa 18th birthday ni Antonette Gail ay makikitang present pa rin si Whamos kasama ang pamilya ng nobya.