Dead on the spot ang tatlo sa apat na miyembro ng Philippine Air Force (PAF) nang masunog ang sinasakyang kotse matapos bumangga sa concrete barriers sa EDSA Santolan sa Quezon City nitong Biyernes ng madaling araw.

Sa inisyal na imbestigasyon ni Cubao Police investigator Corporal Mark Anthony Rasay, sunog ang bangkay ng tatlong sundalo nang matagpuan sa loob ng sinasakyang kotse pasado 1:00 ng madaling araw.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tatlong sundalo.

Isa naman sa kanilang kasamahan ang naiulat na nakaligtas sa aksidente at agad na isinugod sa ospital dahil sa mga sugat sa katawan.

Metro

College student na suma-sideline bilang rider para sa pamilya, patay sa pamamaril

Sinabi ng pulisya, galing sa Quezon City ang apat na sundalo at papasok na sana sa trabaho sa Villamor Air Base sa Pasay City nang maganap ang aksidente.

Ayon naman kay Jasper Ibanga, biglang bumangga ang nasabing kotse sa concrete barriers sa busway at agad na lumiyab.

Kinumpirma naman ng PAF na pawang tauhan nila ang apat na sundalo. Gayunman, iniimbestigahan pa rin ito ng pulisya.