Marami sa mga tagahanga ni James Reid ang nanghihinayang sa tuluyan na nitong paglisan sa Pilipinas upang subukin ang kaniyang kapalaran abroad para sa kaniyang international singing career.

Ibinahagi ng actor-singer ang litrato ng kaniyang cake sa Instagram story niya kung saan nakasaad ang 'Bon voyage' at 'Good luck James Rei'. Nagpadespedida party rin siya para sa malalapit niyang kaibigan.

Batay naman sa Instagram post ng maternal sister ni James na si Chantal Calicdan nitong Pebrero 17, 2022, ipinakita niya ang litrato ng ni James na inihatid nila sa airport.

"Go rockstar! @james," saad sa caption.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

James Reid (Screengrab mula sa IG/Chantal Calicdan)

Maging ang mga tagahanga ni James ay nagpahatid naman ng goodluck message sa kaniya.

"Goodluck Hayme! Pray always!"

"All the best @james God bless. Best wishes, I know you will make it."

"Ako lang ba yung naluha kahit fan lang ako???."

"Keep safe Jamesss?gonna miss you so bad huhuhu."

Para naman kay showbiz columnist Cristy Fermin, nakahihinayang ang nangyari sa career ni James, lalo na ang tambalan nila ni Nadine Lustre na 'JaDine'.

"Alam mo, ito ‘yung karerang sayang na sayang lalo na ‘yung loveteam nila ni Nadine, sayang na sayang,” pahayag ni Cristy sa kaniyang radio show na 'Cristy Ferminute' kausap ang kaniyang co-host na si Romel Chika.

“Itong si James, siya ang naunang umalis sa Viva. Umalis siya sa Viva thinking na kakayanin niyang mag-isa ang karera niya. Dumating siya sa Viva na may kasamang auditor na may dalang calculator na kasama niya ang tatay niya at may isa pang lawyer kasi nagkuwentahan sila ng Viva Artist (Agency)."

“Para sa kaniya, malaki raw ‘yung kinukuhang komisyon. Eh, Romel naman, ang Viva naman ang gumagastos sa lahat--- pictorial, promo at sila ang humahanap ng proyekto lalo na ang mga TVC ‘yung commercial."

“Eh, bakit naman hindi kukuha ng komisyon, eh, sila ang namumuhunan, so, umalis siya. Matapos ang ilang buwan, si Nadine naman ang nagtangka hanggang sa nagkademandahan. Sayang itong si James Reid, napakaguwapong bata, magaling kumanta," komentaryo ng showbiz columnist.

"Opo nakakalungkot lang ‘yung nangyari sa kanya, ako gusto ko ‘to kasi iba rin ang appeal nito ‘Nay! Actually, pang international ang appeal niya kaya ‘yung mga kababayan natin sa abroad nakukuha niya," pahayag ni Romel Chika.

“Laking Australia itong si James Reid. Hindi ba kung minsan ‘yung artistang parang suplado, malakas ang dating, ‘yung mailap iyon ‘yung gusto mong diskubrehin, 'di ba? Ito ganu’n may mystery ‘to."

“Hindi siya palaano sa mga fans, hindi siya ganoon nagpapasalamat, kumakamay, nagpapahalik pero alam mo pa rin ‘yung mailap. Sayang, sinayang niya ‘yung pagkakataon. Ang ganda-ganda ng takbo ng loveteam nila ni Nadine Lustre," pahayag pa.

“Kapag nauna kasi ‘yung pagdududa, pag nauna ‘yung angas, pag nauna ‘yung hindi pakikisama doon sa kompanyang nag-aalaga sa kanyang karera talagang ganito kauuwian, giit naman ni Cristy.

"Saka natatakot ‘yung mga kompanyang kunin siya kasi may ganya, sandali? Bakit kinukuwestiyon mo, eh, pinapasikat ka namin, magkakaroon ka… O, kapag wala kang management wala kang mapupuntahan, eh.”

Hangad na lamang ng dalawa na sana raw ay matagpuan ni James ang kaniyang kapalaran sa ibang bansa.

Nagsimulang makilala si James Reid matapos maging housemate sa Pinoy Big Brother. Sumikat ang tambalan nila ni Nadine dahil sa pelikulang 'Diary ng Panget'.

Nang maging Kapamilya sila, lalo silang sumikat nang husto dahil sa teleseryeng 'On the Wings of Love'.