Ikinawindang ng mga netizen ang 'pa-hello' ni Bea Alonzo sa kaniyang bikini photo na may caption na 'hat game strong'.

Kitang-kita na bagama't mestisa naman talaga si Bea ay tila tanned ang kaniyang kutis habang nakasuot ng itim na bikini, may pinatuyong pandong na hat sa kaniyang ulo, at todo-awra, na makikita sa kaniyang Instagram post nitong Pebrero 17, 2022.

Screengrab mula sa IG/Bea Alonzo

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Winner na winner naman talaga sa calendar girl ng Tanduay ang awrahan ni Bea, at kahit na ibang-iba ang kulay ng balat niya sa litrato, naghuhumiyaw pa rin ang kaniyang kagandahan, at syempre, may isa ring bahagi ng kaniyang katawan na talagang sumilip: ang ilalim ng kaniyang boobelya!

Kapansin-pansin din na naka-tag ito sa jowang si Dominic Roque, na ayon sa latest vlog niya, ay siyang 'official photographer' niya sa mga layasan nila sa loob at labas ng bansa.

Napa-comment at mukha namang positibo ang reaksyon dito ng mga kaibigan niyang celebrity gaya nina Angel Locsin, Kakai Bautista, Maxene Magalona, at iba pa.

Umani rin ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen.

"Yan, dapat ganyan po ang mga post at outfit n'yo ???."

"Wow sexy mo Ms Bea Alonzo 'yan ❤????."

"Juicecolored????????."

"So hot???????."

"Loooove this photo!"

"I WAS NOT READY FOR THIS??????."

Samantala, hindi naman nagkomento rito ang jowa niyang si Dominic, na syempre, mas nauna na itong na-sight sung kung ito ang kumuha ng larawan sa jowa no!

Kuha umano ang litrato na iyon sa bakasyon nila ni Dom sa El Nido, Palawan. Pinatunayan daw ni bea na kering-keri niya ang pagiging calendar girl, na dati ay hindi niya magawa-gawa.