Umabot na sa 4,800 na batang may edad lima hanggang 11 taong gulang ang nabakunahan na ng first dose ng COVID-19 vaccine.

Sa huling datos ng Muntinlupa City Health Office (CHO) noong Pebrero 17, umabot na sa 4,827 na bata ang nabakunahan na ng first dose, 11 araw nang simulang ang pediatric vaccination noong Pebrero 7.

Nasa 14,802 naman ang rehistradong bata para sa COVID-19 vaccine base sa huling datos noong Pebrero 17.

Makatatanggap ng Pfizer vaccine ang mga batang may edad lima hanggang 11 taong gulang. 

FPRRD, pinagkaitan ng karapatan sa Pilipinas—legal counsel

Matatandaang inaprubahan ng Department of Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) ng Pfizer vaccine para sa naturang age group.