Patay ang isang dating barangay kagawad na pinaghihinalaang intelligence asset ng militar at ana na lalaki matapos silang pagbabarilin ng mga miyembro ng New People's Army (NPA) sa loob ng kanilang bahay sa Vallehermoso, Negros Oriental kamakailan.

Kinilala ng pulisya ang dating brgy. councilman na siLucio Perater, 61, asawa ng kapitan na si Beatriz Perater.

Napatay din ang 37-anyos na anak na lalaki, ayon sa ulat.

Sa report ng militar, ang insidente ay naganap sa Brgy. Malangsa nitong Miyerkules ng gabi.

Probinsya

Magkakaibang parte ng katawan ng tao, natagpuan sa Marilaque Highway

Bigla na lamang umanong pumasok ang apat na lalaki sa bahay ni Perater at pinagbabaril ang mag-ama na sanhi ng kanilang pagkamatay.

Kaagad namang inako ngLeonardo Panaligan Command -NPACentral Negros Front ang pamamaslang.

Sa pahayag ni Ka JB Regalado, tagapagsalita ng grupo, sinalakay ang bahay ng mag-ama matapos matuklasan na isang intelligence asset ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Perater.

Nagpapatunay aniya nito ang nasamsam nilang isangshotgun, isang cal.45, isang cal. 38 at isang cal.357 pistol at mga bala.

Binanggit pa ni Regalado, binalaan na nila ang kapitan noong 2020 na putulin na ang kanilang ugnayan sa AFP at saNational Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Magsisilbi aniyang babala ang insidente sa mga indibidwal sa Negros na nakikipagtulungan sa militar sa paghabol sa mga rebelde.

Glazyl Masculino