Matapos ang dalawang taong pamamahinga sa limelight, nakatakda nang magbalik-showbiz ang Kapamilya actress-host at minsa’y singer na si Anne Curtis.

Kasunod ng kanyang pagdiriwang ng ika-37 taong kaarawan nitong Huwebes, Pebrero 18, pasabog na comeback teaser ang nilabas ni Anne sa kanyang social media accounts.

Sa isang one-minute black and white teaser, tampok ang walang kupas pa ring awra at modeling skills ang pinamalas ni Anne.

Parehong sexy and fierce ang datingan ng Kapamilya star na halos dalawang taon ding namahinga sa showbiz.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Marso 2020 nang isilang ni Anne ang unang anak nila ni Erwan Heussaff na si Dahlia Amelia. Mula noon, naging full-time mom na ang aktres dahilan para mawala na rin ito sa noontime show na “It’s Showtime.”

Larawan mula sa Instagram video ni Anne Curtis

Hindi rin maitago ng kapwa celebrities ang excitement sa pagbabalik ng Kapamilya star.

“Woot woot getttt it???” komento ni Soleen Heussaff.

“Love you!❤️” ani Angel.

“Ayan na syaaaaa!!!! ????” komento ni Iya Villania.

“Yaaasssss ✨✨✨” saad ni Bea Alonzo.

Hindi ring napigilang magkomento ng ilang Miss Universe Philippines queens.

“??? On fayaahh!!!!” ani Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados.

“Wow!!!! ??” komento ni Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters.

“Daaaamn ? you are something else talaga!! Kabog!! ??” saad naman ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.