Palaisipan sa mga netizen kung may pinariringgan ba ang model na si Trina Candaza sa kaniyang latest Instagram story, kung saan ibinahagi niya ang screengrab ng isang pinanood na video tungkol sa hirap ng isang 'padede mom' sa pag-aalaga at pagpupuyat upang maalagaan lamang ang anak na sanggol.

Inihalintulad niya ito sa kaniyang karanasan sa pag-aalaga kay Mithi, ang kanilang baby girl ng partner na si Carlo Aquino, na kamakailan lamang ay napabalitang nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan na nagresulta umano sa kanilang hiwalayan, bagama't wala pang malinaw na kumpirmasyon mula sa dalawang panig.

"Same age kay Mithi yung baby. 8x gumising yung mom to feed the baby," sey ni Trina sa kaniyang text caption.

"Kaya sa mga nagtatanong kung namumuyat pa yung ganitong age, gumigising pa rin sila nang ilang beses but milk lang okay na."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Maya-maya, ibinato na ni Trina ang hirit niya tungkol sa tatay.

"Yung tatay ang himbing lang ng tulog tapos paggising ibang babae pa ang iniisip niyan."

Tanong ng mga netizen, may pinariringgan ba umano si Trina?

Unang pumutok ang mga balitang baka hiwalay na sila ni Carlo nang mapansin ng mga 'Marites' na wala silang posts na magkasama sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Subalit noong Enero 13 ay pareho silang nag-post ng litrato para sa paid partnership/endorsement ng isang produktong diaper, kasama ang kanilang baby girl na si Mithi.

Noong Biyernes, Enero 28, 2022, may pasabog si Trina tungkol sa partner na may pinupuntahan umanong ibang babae. Aniya, hindi na raw magbabago ang isang lalaki na matagal nang sakit sa ulo, bagama't hindi naman niya binanggit kung ang tinutukoy ba niya ay ang ama ng kaniyang anak.

"You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya."

“Kung may pinupuntahan na agad na babae…"

“Wag na kayo umasang magbabago pa ‘yung jowa n'yo na sakit sa ulo, hindi na 'yan magbabago," ayon sa FB post ni Trina na talaga namang nakapa-juicy at kinuyog ng mga Marites.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/29/carlo-at-trina-hiwalay-na-ba-xian-gaza-dinadawit-si-angelica-panganiban/

Nadawit pa sa isyu ng kanilang hiwalayan ang dating katambal at ex-jowa ni Carlo na si Kapamilya actress Angelica Panganiban, batay sa pasabog ni 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza.

Mas lalo pang umingay ang isyu nang lumipat ng bagong bahay si Trina kasama ang anak.

Hindi naman pinalampas ni Trina ang isang komento ng netizen sa gitna ng usap-usapan sa umano’y hiwalayan nila ni Carlo Paratang kasi ng Marites, ‘karma’ ang nangyari kay Trina matapos ‘pumatol’ kay Carlo kahit na umano’y karelasyon nito si Angelica.

"Karma is a bitch talaga. Ayos lang 'yan! Pumatol ka nga kay Carlo noon, ng sila pa ni Angelica eh. Mas masakit talaga kapag binalikan ka ng karma doble yung sakit, Worst is, may anak pa kayo,” walang prenong komento ng isang netizen sa isang Facebook post ni Trina.

“Huh? Hindi naman sila nagkabalikan, sa ‘kin nag-commit ta’s ang labas ako pa ang nang-agaw,” palabang tugon ni Trina.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/30/trina-sa-paratang-ng-netizen-na-sinulot-niya-si-carlo-kay-angelica-hindi-sila-nagkabalikan/

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag dito si Carlo Aquino o si Angelica Panganiban na nadawit sa isyu. wala ring kumpirmasyon mula kay Trina tungkol sa 'parinig' na ito.