Mainit na usap-usapan ngayon sa Twitter ang tila 'parinig' ni dating miyembro ng 'GirlTrends,' dating Pinoy Big Brother (PBB) celebrity housemate, at ngayon ay calendar girl ng Ginebra na si Chienna Filomeno.

Ayon sa tweet ni Chie nitong Pebrero 17 ng hapon, mukhang ang taong pinatatamaan niya ay nagagalit dahil nasisira ang reputasyon nito dahil sa kagagawan ng ibang tao---bagay na ginawa umano nito noon kay Chie.

"Funny how you’re so mad someone is ruining your reputation, yet that’s what you’ve been doing to me for the longest time," ani Chie.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Screengrab mula sa Twitter/Chie Filomeno

Hindi pa natapos diyan ang patutsada ni Chie. Sa isa pang tweet, sey niya na 'karma is real' daw!

"Do not do unto others what you do not want others do unto you. Edi na back to you ka diba? Because karma izzzz real. Shhh na nga ako ?? kbye," aniya.

Screengrab mula sa Twitter/Chie Filomeno

Bagama't wala namang pinangalanan, hula ng mga netizen kung 'sinetch itey' ay ang dati niyang kasamahan sa GirlTrends na si Dawn Chang. sa kasalukuyan ay may gusot sa pagitan nila ni showbiz columnist Cristy Fermin, tungkol sa ispluk nito kung paano raw siya nagkakatrabaho, na nag-ugat naman sa pagtatanggol nito sa pahayag niya laban kay Toni Gonzaga.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/17/dawn-chang-hinggil-sa-ispluk-ni-cristy-fermin-naghihintay-din-ako-ng-pruweba-ang-tagal/">https://balita.net.ph/2022/02/17/dawn-chang-hinggil-sa-ispluk-ni-cristy-fermin-naghihintay-din-ako-ng-pruweba-ang-tagal/

Narito ang ilan sa mga sapantaha ng mga netizen:

"ANG TAONG MATAGAL NA NAHIMIK PAG SUMABOG PARANG BULKAN KAYA wag nyo subukan PAG LUMABAN YAN TIYAK IKAW MISMO ANG SASABOG. HAHAHHAHA i love you ANCHIE ??."

"Pag binato ka ng dance steps batuhin mo rinng malalang dance steps. Charot hahaha."

"I'm not Marites pero letter D name nya! Grabe yun manghusga!Natigil pa si Chie ng ilang taon para magpahinga dahil sa bashing dahil pgkakamali nya lang sa isang sayaw!At yung baguhang artista na galing rin sa BNK akala mo sino na umasta when she spreads hate and bash towards Chie!"

Samantala, wala pang kumpirmasyon mula kay Chie kung tugma ba ang hula ng mga netizen. Maging si Dawn Chang ay wala pang reaksyon tungkol dito.