Isa sa mga napag-usapan nina Cristy Fermin at Romel Chika sa kanilang radio program na 'Cristy Ferminute' ang naging hiwalayan nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.

Ayon kay Cristy, nasagap niya umano mula sa kaniyang source na malapit sa mag-inang Teresa at Diego Loyzaga na hindi umano naging maayos ang hiwalayan ng dalawa, bagay na iyon naman ang claim ni Barbie sa naganap na media conference para sa serye nitong 'The Goodye Girl'.

"Hindi ba may binanggit si Barbie, si Barbie Imperial, kailanman daw kapag siya ay nakipag-break, hindi siya nakikipagbalikan? Mayroon siyang binaggit na ganoon sa interview, ‘di ba? Nabasa ko rin ‘yun," ani Cristy.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/16/barbie-hindi-nakikipagbalikan-sa-mga-ex-jowa-learn-to-let-go/">https://balita.net.ph/2022/02/16/barbie-hindi-nakikipagbalikan-sa-mga-ex-jowa-learn-to-let-go/

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sumang-ayon naman ang kolumnista sa sinabi ni Barbie na kapag naghiwalay na, wala na dapat balikan pa.

“Siyempre bilang babae, sasabihin niya ‘yun, ‘di ba? Kapag siya’y nakipaghiwalay, hinding-hindi na siya nakikipagbalikan. Tama din naman ‘yung kanyang opinyon. May mga babae talaga na hindi na nakikipagbalikan oras na nasaktan.”

Subalit batay nga sa source ni Cristy, mukhang iniwan daw talaga ni Diego si Barbie. Ang ex-jowa raw ang dahilan kung bakit nasa US ngayon ang aktor. Kaya pansamantalang naghahanap umano ng trabaho si Diego sa Amerika upang makalimot at maka-move on.

Aprub naman sa dalawang hosts ang 'self-love' na nais gawin ngayon ni Barbie.

"Hindi ba dapat naman talaga na sa pakikipagrelasyon, hindi mo itotodo ang lahat? Hindi mo ibibigay ang lahat para sa susunod mayroon ka pa ring huhugutin at ibibigay sa lalaking magmamahal sa'yo."

“Ganoon talaga dapat. Una mong mahalin ang sarili mo. Dahil kapag wala kang iniwan sa sarili mo, wala ka ring maibibigay sa iba. Una munang mahalin ang sarili para sa susunod may naiiwanan pa na pupwedeng ibigay sa karelasyon na susunod sa nawala."

Hindi rin daw ito para sa mga babae kundi maging para din sa mga lalaki.

Inamin ni Barbie ang hiwalayan nila ni Diego noong Pebrero 5, sa panayam ng 'TV Patrol'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/05/diego-loyzaga-at-barbie-imperial-hiwalay-na-nga/">https://balita.net.ph/2022/02/05/diego-loyzaga-at-barbie-imperial-hiwalay-na-nga/

Samantala, wala pang kumpirmasyon mula kay Barbie kung totoo ba ang ispluk ng source ni Cristy.