Agad na nagpaliwanag ang aktor na si Aljur Abrenica hinggil sa viral photo nila ni AJ Raval, na magkasama sila noong Valentine's Day, Pebrero 14, 2022, sa isang hotel sa Leyte.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/14/aljur-abrenica-at-aj-raval-naispatang-magkasama-sa-isang-hotel-sa-leyte/">https://balita.net.ph/2022/02/14/aljur-abrenica-at-aj-raval-naispatang-magkasama-sa-isang-hotel-sa-leyte/

Itinanggi ni Aljur ang anumang mga malisyosong isipin ng mga netizen tungkol sa kanilang dalawa ni AJ, batay sa ulat ng entertainment website na 'CinemaBravo'. Aniya, kaya siya nasa Leyte ay dahil sa trabaho. Kumain lamang sila ni AJ sa resort at nagbihis din to freshen up.

"We were invited sa cooperatives… sa may Leyte. Trabaho yun e. Pupunta ako. Kumain lang kami doon [sa resort]. Tapos nagbihis lang to freshen up para sa show. Tapos, siyempre, Valentine’s, nagkataon lang, tapos picture. Tapos, ang dating parang ilang araw kami doon," aniya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Samantala, mukhang pinatotohanan naman itro ni AJ sa kaniyang Facebook post kung saan shinare niya ang FB post mula sa 'Don Orestes Romualdez Electric Cooperative, Inc.' o DORELCO. Batay sa mga kuhang litrato, mukhang trabaho talaga ang pinunta nila sa Leyte at nagkatapon lamang na Valentine's Day ng mga panahon na iyon.

Screengrab mula sa FB/DORELCO

May be an image of 4 people
Screengrab mula sa FB/DORELCO

May be an image of 7 people and people standing
Aljur Abrenica at AJ Raval (Screengrab mula sa FB/DORELCO)

May be an image of 7 people, people standing and indoor
Reggie Tortugo (Screengrab mula sa FB/DORELCO)

May be an image of 4 people and people standing
Aljur Abrenica at AJ Raval (Screengrab mula sa FB/DORELCO)

May be an image of 5 people, people standing, balloon and indoor
Aljur Abrenica at AJ Raval (Screengrab mula sa FB/DORELCO)

Bukod sa kanilang dalawa, naging guest din sina 'Tawag ng Tanghalan' Season 2 Finalist Reggie Tortugo, at TV director at PTV4 anchor Cesar Soriano.

"Actor- Performer Aljur Abrenica and Actress AJ Raval visited DORELCO for the blessing, inauguration and launching of DYAL Radyo Kidlat 90.3 Light FM in DORELCO, Brgy. San Roque, Tolosa, Leyte, Monday, February 14," ayon sa caption.

"The two joined in the cutting of the ribbon held right after the blessing of the radio booth of the station. They also rendered intermission number during the program."

"With them are Tawag ng Tanghalan Finalist Reggie Tortugo and TV Director and PTV4 Anchor Cesar Soriano and Staffs of Great Czar Production."

Kung mapapansin nga, nagtutugma ang kani-kanilang mga suot na damit sa viral photo na binigyan ng malisya ng mga netizen; nakasukbit pa sa likod ni Aljur ang kaniyang pulang bag.

May be an image of 5 people, people standing and indoor
Aljur Abrenica at AJ Raval (Screengrab mula sa FB/DORELCO)

Pinatotohanan din ng may-ari ng lugar na kanilang tinuluyan na trabaho ang dahilan kung bakit sila magkasama sa Leyte, at hindi upang mag-date, gaya ng kumakalat na chismis.