Naiintindihan naman daw ni 'Miss Q&A' Grand Winner ng 'It's Showtime' na si Juliana Parizcova Segovia kung may mga imbyerna sa kaniyang mga kaibigan at dating nakatrabaho dahil sa 'Kape Chronicles' at sa parody video na ginagawa niya ngayon sa ilalim ng VinCentiments, pero tila may hangganan din naman daw ang lahat.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/03/juliana-umalma-akala-ko-ba-basta-walang-pangalan-huwag-kakahol/

Sey niya sa kaniyang Facebook post, hindi raw siya 'patola' kahit nagkakapersonalan na raw ng buweltahan laban sa kaniya, ngunit may isa raw na nagsabi sa kaniyang kokyompalin siya kapag nagkaharap-harap sila! Sinetch itey??!!

"Sa ibang nakasama at nakatrabaho ko… Ok lang po kahit personal ang atake n'yo sa akin… nauunawaan ko po kayo.. at hindi po ako sasagot… ibbgay ko sa inyo ang respeto lalo na sa mga nakasama ko at naging kaibigan…." aniya.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Pero may ipatitikim naman siya sa nagsasabing makakatikim siya ng sampal mula rito. Hamon niya, pakigawa raw sana at nang makatikim ito sa kaniya!

"Pero yung isa na nagsabi na sasampalin n'ya ko pag nagkaroon ng face to face presscon… pls…TUPARIN mo po 'yan… para naman maparamdam ko sa'yo ang tunay na SAMPAL NI KABANG na tiyak pag natikman mo, magtatampo ang kaluluwa mo sa katawan mo??❤️✌️" pagbabanta ni Juliana.

Sabi naman ng mga netizen, abangan na lang daw sa mga susunod na mga kabanata kung sino ang mababangasan ng mukha kapag nakaharap ang komedyante.