Solido ang naging performance ni Filipino-American Mikey Williams sa pagkapanalo ng TNT sa laban nila sa San Miguel, 96-81,sa pagpapatuloy ng 2021 PBA Governors' Cup saSmart-Araneta Coliseum nitong Miyerkules.

Sa huling yugto ng laban, kumana si Williams ng 22 ng kanyang 30 puntos upang ibaon ang San Miguel sa 3-3 panalo-talo.

Taglay na ngayon ng TNT Tropang Giga ang 3-4 panalo-talo. Gayunman, posibleng makaapekto sa kanilang kartada ang paghiram ng Gilas Pilipinas sa ilang manlalaro nito upang sumabak sa FIBA World Cup Asian qualifiers.

Tumulong din kay William ang import na si Aaron Fuller na nakaipon ng 22 puntos at 26 rebounds.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

View Post