Napag-usapan sa online show nina Cristy Fermin, Mr. Fu, at Manay Lolit Solis sa Tuesday episode (Pebrero 15) ang tungkol sa demand letter na inihain ng legal counsel ng dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate, miyembro ng 'GirlTrends', at social media influencer na si Dawn Chang laban kay Cristy.

Kaugnay kasi ito ng mga pahayag ni Cristy laban kay Dawn na nasabi niya sa radio program niyang 'Cristy Ferminute'.

"Kapapasok mo palang sa mundong ito, lahat muna tanggapin mo ng constructive. Halimbawa, sinulat ni Cristy ang tingin sa ‘yo ganito, ganyan. Eh 'di ‘Ay baka nga ganito kasi sa kilos ko, ganito tingin sa akin kailangan baguhin ko. Mabuti nga, suwerte siya pinagtuunan siya ng pansin ni Cristy Fermin," sey ni Manay Lolit.

"Kung baguhan ako at isinulat ako ni Cristy Fermin, maligaya na ako no’n at hindi ko babanggitin ang name niya ‘no!"

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ayon naman kay Cristy, hindi umano niya kilala si Dawn at ni minsan daw ay hindi niya naisulat ang dating PBB housemate.

"At saka the nerve, baguhan ka magde-demand ka sa akin ng apology? The who!? Sino ka?" saad umano ni Manay Lolit na ikinatawa niya at ni Cristy.

"Baka kung si Mother Lily (Montverde) ‘yun, Sharon Cuneta o si Kris Aquino baka puwede pa mag-isip ako, pero kung ano name mo? Paano i-spell…naku paano i-spell," dagdag pa ni Lolit.

Iginiit ni Cristy na demand letter pa lamang naman para sa public apology ang hinihiling ng kampo ni Dawn Chang, bakit daw kailangan nang magbantang ipakukulong na agad gayong wala pa umanong pasya mula sa piskalya, korte, Court of Appeals, o maging sa Korte Suprema.

Si Atty. Ferdinand Topacio ang nagsisilbing legal counsel ngayon ni Cristy, na nagpaliwanag na rin ng kanilang panig, sa 'Cristy Ferminute'.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag na inilalabas ang kampo ni Dawn hinggil sa isyung ito.