Nangako si Vice President Leni Robredo na poprotektahan nito ang karapatan at kapakanan ng mga katutubo sa bansa kung mananalo ito sa pagka-pangulo sa 2022 National elections.

Ito ang binigyang-diin ni Robredo nang bumisita sa isang Ati community sa Boracay Island sa Malay, Aklan nitong Miyerkules, Pebrero 16.

“Ito po talaga ‘yung pangarap natin sa mgaIP communities:nanumber one,masiguro na nakakatulog kayo gabi-gabi na panatag ‘yung kalooban na hindi kayo papaalisin, na araw araw tahimik ‘yung inyong pakiramdam, na ‘yung kinatitirikan ninyo ay walang pangamba na kakamkamin ng iba," aniya.

Sa kanyang administrasyon aniya, makakapamuhay ng may dignidad ang mga katutubo.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

“Ang akin lang din naassurancesa inyo na 'pag tayo po binigyan ng pagkakataon, gaano man kakaunti kayo, gaano man kalayo kayo, sisiguraduhin po natin na ‘yung ating gobyerno ay inaalagaan kayo," dagdag nito.

Binigyang-diin din nito ang pangangalaga sa pamanang pangkultura ng mga katutubo, lalo na't pinauunlad ang Boracay Island upang maisulong ang turismo.

“'Yung kultura niyo, mas mahalaga pa sa kahit anong negosyo, na ‘yung inyong kultura, ‘yung pangangalaga dito ay bahagi ng ating pagiging Pilipino," pahabol pa ni Robredo.

PNA