Inamin ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial na hindi siya nakikipagbalikan sa mga naging ex-jowa niya; kapag 'babu' na, babu na!

Sey niya sa ginanap na media conference para sa digital series na 'The Goodbye Girl', wala na raw dahilan na maayos ang mga gusot na sana ay ginawa noong magkarelasyon pa, so bakit kailangan ng 'second chance?'

"Based on experience, wala naman akong binalikan ever na ex. Doon na lang tayo sa experience na parang hindi na. Kasi noong time na 'yun na magkasama kami, sana 'yun na yung time na okay lahat."

“Na doon gagawin kung anuman ipu-prove ganito-ganyan. Parang you had your shot."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sana lang daw, mapanindigan niya ito, lalo't mahirap daw talagang magsalita nang tapos. Para kasi kay Barbie, kapag nagkalamat na dati ang relasyon, mahirap na itong buuin. Maganda rin umano na kapag nagkasaulian na ng mga kandila sa isa't isa ay maayos naman at hindi nagkagirian pa.

“I mean, Lord, please guide me. Sana wala na talaga!”

“That’s why maganda nga na good breakup talaga. As if nag-away na kayo, siraan, ganito, ganyan, parang ang hirap magkabalikan talaga."

“Pero yun nga, ulitin ko lang answer ko. For me, naroon ka na, eh, sa time na magkasama tayo, sana doon mo ginawa."

“If wala na, if big reason na ng paghiwalay namin, mahirap kasi sa akin na tanggapin yung mga bagay na nangyari. Parang hindi na."

Kung may natutuhan man daw si Barbie sa lahat ng mga nagdaang relasyon niya, ito ay ang 'art of letting go'.

"Biggest lesson ko pagdating sa love is learn to let go. Kasi minsan di na rin enough yung mahal niyo yung isa’t isa. Like, if kung wala nang growth, wala na kayo naiaambag na growth para sa isa’t isa. Para saan pa yung relationship if puro away, puro pangit nangyayari?"

“Kahit mahal na mahal niyo isa’t isa, kailangan talaga i-let go or else mawawala ka,” aniya pa.

Pokus daw muna siya sa kaniyang sarili o 'self-love'.

"These days, ang dami ko nagagawa na di ko magawa-gawa noon kasi siguro in love na in love ako."

“Ginagawa ko yung sports na gustung-gusto ko before na di ko magawa. Nakakasama ko yung mga kaibigan ko na matagal ko nang di nakita."

“Importante na kahit may ka-relationship ka, di mababago yung mga gusto mo gawin sa buhay."

"Di ka dapat magbabago. Di mo dapat babaguhin sarili mo. Na wala namang mali sa ‘yo dahil lang di yun ang gusto or nakasanayan ng…ah, basta! Sa lahat 'yun. Wala namang name-drop!"

Ang latest ex-jowa ni Barbie ay ang aktor na si Diego Loyzaga, na hanggang ngayon ay wala pa ring kibo hinggil sa naganap nilang hiwalayan.

Ang ibang mga ex-jowa ng Kapamilya actress ay sina Paul Salas, Ryle Santiago at JM de Guzman.