May nakakaantig na mensahe ang soon-to-be-mom at Kapamilya singer na si Angeline Quinto para sa kanyang “Mama Bob” na unang humiling na magkaroon na siya ng makakasama sa buhay bago mamayapa.

“Nung buhay pa po siya, lagi kong sinasabi sa kanya, na 'yan ang greatest fear ko talaga. Sabi ko sa kanya na kapag wala na siya, wala na rin ako,” ani Angeline sa pinakahuling episode ng Magandang Buhay nitong Miyerkules.

“Alam na alam ko yung pagmamahal ni Mama Bob, kahit na nawala siya, talagang minake-sure niya na magiging maayos ako. Alam niya kasi na siya ang kahinaan ko. Kahit sino naman siguro di ba -- sa nanay, sa anak,” dagdag ni Angeline.

Basahin: Angeline Quinto, may non-showbiz partner; inamin ang naging score nila noon ni Erik Santos – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Sa kanyang panayam kay Karen Davila noong 2021, sinabi ng Kapamilya diva na matapos mamaalam ni “Mama Bob” noong 2020 na siyang tumayong tunay na pamilya at naging kasangga ni Angeline sa kanyang buhay at karera sa showbiz, ipinagdasal na nito ang susunod na yugto ng kanyang buhay -- ang pagkakaroon ng sariling pamilya.

“Araw-araw kong nami-miss siya. Araw-araw kong nami-miss ang mama at habang buhay naman yung pagmamahal ko kay Mama Bob,” pagbabahagi ni Angeline kina Momshie Regine, Jolina at Melai.

“At ngayon na magkakaaroon na siya ng apo sa akin, nagce-celebrate yan sa itaas. Nagpapasalamat yan sa Panginoon kasi naibigay na sa akin yung matagal niya nang hiling bago pa siya nawala.”