Ipinaaaresto na ng Calbayog City Regional Trial Court (RTC) ang siyam na pulis na isinasangkot sa pananambang at pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronald Aquino sa nasabing lungsod noong 2021.

Ito ay magpalabas si Calbayog RTC Branch 32 JudgeCicero Lampasa ng mga warrant of arrest sa kasong murder at frustrated murder laban kina Lt.Col. Harry Sucayre, Maj. Shyrille Tan, Capt. Dino Goles, Lt. Julio Armeza, Jr., Ssg. Neil Cebu, Ssg. Edsel Omega, Pat. Niño Salem, Cpl. Julius Garcia, at Ssg. Randy Merelos.

Itinakda ng korte ang P200,000 piyansa ng bawat akusado sa kasong frustrated murder. Gayunman, wala inirekomendang piyansa ang hukuman sa kasong murder.

Iniutos din ni Lampasa sa mga arresting officers na gumamit ng body camera at recording device upang mai-record ang kanilang pag-aresto sa siyam na pulis.

Probinsya

Suspek sa pinatay na 7-anyos na batang babae, nakainom bago upakan ang biktima!

Bago pa magpalabas ng arrest warrant ang korte, naiulat na nasa kustodiya na ngPhilippine National Police (PNP) sa Camp Crame habang hinihintay ang pag-aresto.

Matatandaang papunta sa sana sa birthday party si Aquino kasama ang kanyang mga bodyguard nang pagbabarilin ng mga pulis sa LaboyaoBridge, Brgy. Lonoy sa nasabing lungsod, noong Marso 8 ng nakaraang taon.

Bukod kay Aquino, napatay dindriver nito na si Dennis Abayon, security nito na si PSSg Rodio Sario habang sugatan din ang assistant na si Mansfield Labonite.

Kasama rin sa napatay sina Capt Joselito Tabada, hepe ng PDEU at PSSg Romeo Cobococ Laoyon matapos umanong makipagbarilan sa grupo ni Aquino.

Nadamay at namatay din sa insidente ang isang sibilyan na siClint John Paul Yauder.

Aabot sa 267 na bala ang pinakawalan ng mga pulis na pawang miyembro ng PNP-Integrity and Monitoring Enforcement Group at PDEUsa nasabing pang-a-ambush, ayon sa imbestigasyon ng pulisya.

Marie Tonette Marticio