CAMP DANGWA, Benguet - Limang turista na bumisita sa kilalang tattoo artist na si Apo Whang-od sa Barangay Buscalan, Tinglayan, Kalinga, ang nadakip matapos mahulihan ng₱2.5 milyong halaga ng marijuana bricks sa isangcheckpoint sa Sitio Dinakan, Barangay Dangoy, Lubuagan, Kalinga, nitong Pebrero 15.

Kinilala ni Brig. Gen. Ronald Oliver Lee, regional director ng Police Regional Office-Cordillera, ang mga inaresto na sina Mark Adrian Aguilar, 18; Andrie Punsalan, 21; Ramil Limtoyoco Dela Cruz, 21; Alvin Triplett Medel, 24 at Mark Joseph Dela Pena,23,na pawang taga-Pampanga at National Capital Region.

Ayon kay Lee , namataan ng intelligence operatives ang limang suspek dakong alas 3:00 ng hapon na may bitbit na pinaghihinalaang marijuana sa kani-kanilang bag at sumakay ng pampasaherong bus patungong Tabuk City.

Kaagad itong itinawag sa 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company (KPMFC) na naka-base sa Barangay Dangoy, Lubuagan, na agad nagsagawa ng checkpoint.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Sa isinagawang inspeksyon ay nakuha sa mga bag ng suspek ang 17 bricks ng dried marijuana leaves na may timbang na 15,028 gramo at nagkakahalaga ng₱1,803,360.00; walong tubular marijuana leaves na may timbang na 5,480 gramo (₱657,600.00);at apat na sachets ng marijuana in cookies form na 360 gram at nagkakahalaga ng₱43,200.00.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang limang suspek.

Zaldy Comanda