Ibinahagi ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez ang litrato nila ni DJ John Odin, na may caption na 'Valentine’s Day ?', na ang lokasyon ay sa The Peak Grand Hyatt, Bonifacio Global City.

Beatrice Luigi Gomez at John Odin (Larawan mula sa IG/Beatrice Gomez)

Kapansin-pansin na naka-turn off ang comment section ng kaniyang IG post.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Makikita rin sa kaniyang Instagram stories ang ilang mga litrato nila ni John habang nagdi-dinner.

May be a black-and-white image of 2 people, people standing and indoor
Beatrice Luigi Gomez at John Odin (Screengrab mula sa IG/Beatrice Luigi Gomez)

May be an image of 1 person, food and indoor
Screengrab mula sa IG/Beatrice Luigi Gomez

Screengrab mula sa IG/Beatrice Luigi Gomez

Screengrab mula sa IG/Beatrice Luigi Gomez

Matatandaang noong Oktubre 2021, kumalat ang isyu tungkol sa paghihiwalay nina Bea at girlfriend nitong si Kate Jagdon, at ang dahilan umano ay ang 'panunulot' ni John, kaibigan ni Kate, sa Cebuana title holder. Ang naglahad ng mga paratang ay isang social media user na nagngangalang Johnny Batumbakal.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/25/miss-universe-philippines-bea-gomez-sinulot-ng-sariling-kaibigan-ng-kanyang-girlfriend/

Unang nilahad ni Johnny ang pagbabahagi umano ni Bea sa Instagram ng larawang magkahawak kamay nitong madaling araw ng Oktubre 16. Hinala nito, kamay ni Bea at isang lalaki ang nasa larawan.

“Siyempre, magtataka [ang] madla at bakit, sino itong ka-holding hands ni Bea di ba? For sure hindi kamay ni Kate yan kasi momshie with the tatts and hand size? wititit,” ani Johnny.

Hindi na lingid ang pagkakaroon ng relasyon ni Bea sa DJ na si Kate Jagdon. Sa katunayan, ibinalandra kaagad ni Bea ang pagiging kauna-unahang openly gay na titleholder ng Miss Universe Philippines.

Ayon kay Johnny, kaibigan ni Kate ang kapwa DJ na si John Odin ang nasa larawan. Pagbubunyag pa nito, si John umano ang isa sa mga pinakatiwalaan ni Kate nang matapos ang MUP bid ni Bea.

“So si John ay isa sa mga taong nag-welcome kay Bea sa Manila after Miss Universe PH pageant. Si John ay friend ni Kate. Si John at pinagkatiwalaan ni Kate. Si Jate ay inahas si Bea kay Kate,” mabibigat na paratang ng Facebook user.

“Wag tularan si John,” giit pa nito.

Hindi pa rito nagtapos ang mga paratang ni Johnny.

Isang araw matapos ang nasabing Instagram post ni Bea, makikitang hindi na raw naka-follow si Kate sa Instagram ng kaibigang si John.

Dagdag pa nito, sa pribadong Instagram account ni Bea, tanging si John lang umano ang naka-follow habang hindi na makikitang follower si Kate.

Nagbahagi rin ng screengrab sa ilang Twitter posts ng umano’y malapit na mga kaibigan nina Kate, Bea at John.

Samantala, unavailable na ang Facebook post ng Facebook user na si Johnny. Wala ring naging pahayag si Bea sa nasabing isyu.

Ibinahagi ni Bea ang naturang Valentine's date nito lamang Pebrero 15. Habang isinusulat ito, hindi pa nagbibigay ng tugon o pahayag si Bea kung ano ba ang real score sa pagitan nila ni John Odin.