Sa halip na sunugin ay 'pinasalamatan' pa ni Kapamilya actress Angelica Panganiban ang isang basher na nagsabing 'starlet' siya.

"Pero affected ka sa ingay nang isang starlet? Salamat kung ganoin," tweet ni Angelica noong Pebrero 13.

Screengrab mula sa Twitter/Angelica Panganiban

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kumuda kasi ang naturang basher na 'Isang starlet na naman po ang nag-iingay,' matapos ang paglabas ng pangalawang video niya hinggil sa pambubudol ng ilang mga 'pasaway' na online sellers, na iniugnay niya sa eleksyon 2022. Huwag na raw sa mga 'kembak-kembak' (come back).

"'Pag may history ng pambubudol, never again, never forget tayo!" ani Angelica sa video.

Habang kasalukuyang isinusulat ang balitang ito, burado na ang naturang tweet mula sa basher.

Sa kabilang banda, sa isa pang tweet naman ay pinasalamatan ni Angge ang isang netizen na pumuri sa kaniya.

"Thank you Angelica for using your platform for the good of our country!!!" saad ng naturang netizen. May sumang-ayon naman dito.

"Sana dumami pa sila. Manindigan. Tumayo. Magsalita. Hindi puro pabebe at play safe lang."

Sey naman ni Angge, "Importante po kasi ang social responsibility ?."

Screengrab mula sa Twitter/Angelica Panganiban

Ang unang campaign video ni Angge ay tungkol naman sa kaniyang mga love hugot hinggil sa mga mambubudol at sinungaling. Bagama't wala naman siyang pinangalanan, 'natrigger' dito ang mga tagasuporta ng isang presidential aspirant na pinariringgan umano nila.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/02/wise-voting-campaign-ni-angelica-na-idinaan-sa-love-hugot-umani-ng-ibat-ibang-reaksyon/">https://balita.net.ph/2022/02/02/wise-voting-campaign-ni-angelica-na-idinaan-sa-love-hugot-umani-ng-ibat-ibang-reaksyon/

Dito na lumabas ang parody video ni Juliana Parizcova Segovia, at ang mga videos na inilabas ng VinCentiments tungkol sa tauhang si 'Len-len'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/03/sen-imee-bida-sa-kape-chronicles-na-bitter-len-len-ng-vincentiments/">https://balita.net.ph/2022/02/03/sen-imee-bida-sa-kape-chronicles-na-bitter-len-len-ng-vincentiments/

Samantala, mismong si showbiz columnist Cristy Fermin ang nagtanggol kay Angge at nagsabing hindi raw siya makakapayag na may tatawag na 'starlet' sa aktres, na bata pa lamang daw ay may napatunayan na sa showbiz industry.

Hanggang ngayon, hindi pa rin naaalis kay Angge ang karakter na 'Becky' mula sa pelikulang 'Sarah: Ang Munting Prinsesa' na pinagbidahan ni Camille Prats, sa ilalim ng Star Cinema.

"Ito ang pinakamatindi, tinatawag siyang starlet… ang tawag sa kanya, isa siyang starlet na nagpapapansin. Ako naman, hindi naman ako sang-ayon na tawaging starlet si Angelica Panganiban, ang dami na rin naman niyang nagawang pelikula na talaga namang naghakot ng pera para sa kanyang produksyon," sey ni Cristy.

"Maliit pa lamang si Angelica Panganiban, nagpakita na ng galing sa pag-arte, at marami siyang nagawang pelikulang tumatak at nagkaroon pa nga ng award."

Apela niya, huwag umanong tawaging starlet ang taong nagsumikap at ginalingan naman upang maabot ang pangarap.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/05/cristy-fermin-pumalag-hindi-raw-starlet-si-angelica-panganiban/

“Huwag naman po nating tawaging starlet ang isang tao na nangarap, nagsikap at nagtagumpay. Hindi ako payag doon,” sey pa ni Cristy, bagay na sinang-ayunan naman ng co-host na si Romel Chika.