Tila magkasamang ipinagdiwang ng rumored couple na sina Aljur Abrenica at AJ Raval ang Valentine’s day. Namataan kasi ang dalawa sa isang hotel sa Leyte.

“Cheers to Aljur Abrenica and Aj Raval! Thank you for the visit at Haiyan Hotel and Resort,” mababasa ang caption ng hotel sa Facebook kalakip ang mga larawan ng dalawa sa isang larawan at sa isa pa kasama ang tila tagapamahala ng hotel.

Sa isang Facebook post ng Haiyan Hotel and Resort nitong Lunes, Pebrero 14, pinasalamatan ng hotel ang pagbisita ng rumored couple.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Larawan mula Haiyan Hotel / via Facebook

Ang Haiyan Hotel ay matatagpuan sa Brgy. Bislig, Tanauan sa probinsya ng Leyte.

Larawan mula Haiyan Hotel / via Facebook

Matatandaang noong 2021, naging usap-usapan ang pag-amin ni AJ sa pagkakamabutihan nila ng aktor ilang buwan matapos ang anunsyong hiwalay na si Aljur at Kylie Padilla.

Basahin: AJ Raval at Aljur Abrenica, naispatang naglalakad habang magkahawak-kamay, magkayakap sa mall – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Bagama’t parati nang nakikitang magkasama sina AJ at Aljur dahilan para maging laman ng ilang celebrity chismis ng mga Marites online, wala pa ring kumpirmasyon ukol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Sa ngayon daw ay nakapokus silang dalawa sa mga bagay na dapat nilang pagtuunan ng pansin at problemahin ayon sa huling panayam ni AJ.

Noong Disyembre 2021, huling nagpahayag ang aktres ukol sa mga kumakalat na “false rumors” na kinasasangkutan niya kabilang ang pagkakaroon niya ng relasyon kay Aljur.

“Last statement about all the issue, I’ll stop clearing my name in front of these people who spread false rumors and lies, it’s a waste of time. just let people think what ever they want to think. I don’t have to win every situation to prove my worth.”

Basahin: AJ Raval, nagsalita na; inamin ang tunay na relasyon nila ni Diego, Aljur – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid