Matapos ang kumpirmasyong hiwalay na sila ng ex-jowa na si Diego Loyzaga, ibinahagi naman ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial kung ano nga ba ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Naganap ang pag-amin sa ginanap na media conference para sa teleseryeng kinabibilangan, ang 'The Goodbye Girl', na mapapanood sa iWantTFC.

Kung tatanungin, bilang jowa ay hindi raw mabilis mag-give up si Barbie. Pero kung naramdaman daw niya na hindi na lumalago ang relasyon, iyon na raw ang dahilan upang magbabu.

“I think I’ve said this before a lot of times already. Hindi ako mabilis mag-give up na girlfriend. But if I feel like the other person is not growing with me, that’s the time I say goodbye na talaga."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Kasi para saan pa ako mag-stay if parang wala na akong naaambag sa growth mo?” ani Barbie.

Na-ispluk din ni Barbie na pagdating sa mga dati niyang relasyon, siya raw talaga ang madaling bumitiw. Pero may mga umaalis din daw sa relasyon dahil 'napagod'. OMG!

“Based on experience, ako din ang nag-gu-goodbye. Some hindi pero noong nag-grow na ako, na-realize ko na maganda rin pala na nag-gu-goodbye ka nang maayos kahit gaano pa kasakit."

"Kasi pumasok ka sa relasyon pinaalam mo eh. So alis ka, ipaalam mo rin. May mga umaalis din na ginagawa nila yung tama. May mga umaalis na napagod,” she also said. May mga umaalis na niloko. So for me, siguro sa hindi na lang mas masakit na pag-alis. Yung pag umalis ka dahil mahal mo na yung sarili mo.”

Malapit pala si Barbie sa co-star niyang si Angelica Panganiban na kasama niya sa serye. Dito raw siya humihingi ng love advice. Ano naman kaya ang ipinapayo sa kaniya nito?

"Si Ate Angge talaga lahat ng desisyon ko sa buhay iti-text ko talaga siya. Kahit sa skin care, sa ganito, sa ganyan iti-text ko siya. Feeling ko naambunan na ako. Paambon ni Ms. Angelica Panganiban," aniya.

Samantala, nagbigay naman siya ng payo sa mga kagaya niyang 'iniwan' lalo't paparating na ang Valentine's Day.

"Siguro ang mapapayo ko sa mga iniwan, i-take mo lang yung lahat ng time para mag-heal. Hindi mo kailangan madaliin and pag na-feel mo na ready ka na bumangon, ituloy-tuloy mo lang. Yung healing naman kasi hindi siya tuloy-tuloy. May mga days pa rin na paakyat ka na bababa then tataas."

"You just have to remember that this is life eh. We get hurt but we learn from it. So dun sa experience na yun may makukuha tayo so okay lang na masaktan. Tao ka lang naman,” aniya.

Kamakailan lamang ay naichika ng showbiz columnist na si Ogie Diaz na 'natalakan' umano ang aktres noon ni Teresa Loyzaga, ina ni Diego, dahil lagi raw itong nakatambay sa bahay ng anak nito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/07/barbie-lagi-raw-nakababad-sa-bahay-ni-diego-natalakan-ni-teresa-loyzaga/

Samantala, hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ni Diego tungkol sa detalye ng hiwalayan nila ni Barbie.