Sugatan ang dalawang pulis, kabilang isang opisyal na deputy chief ng Binalbagan Municipal Police nang ambusin ng pinaghihinalaang grupo ng New People's Army (NPA) sa nasabing bayan sa Negros Occidental nitong Linggo, Pebrero 13.

Kinilala ng pulisya ang mga nasugatan na sina Lt. Charles Richard Casalan, deputy police ng nasabing presinto, at Binalbagan  Corporal Julius Tranquillero. 

Sa panayam, sinabi ni hepe ng pulisya sa lugar na si Maj. Ellendie Rebusquillo, bago ang insidente ay nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay ng umano'y natagpuang patay sa Sitio Candida, Brgy. Biao, Binalbagan.

Habang pinupuntahan ng grupo ni Casalan ang lugar, sakay ng patrol car ay bigla na lamang silang pinagbabaril ng mga rebelde.

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!

Bukod dito, pinasabugan din umano sila ng mga rebelde.

Aniya, nagawang makipagbarilan ng grupo ni Casalan kaya agad na umatras ang mga miyembro ng NPA.

Tinamaan ng bala ang kanang kamay ni Casalan habang nasugatan naman sa kaliwang mata si Tranquillero.

Sugatan din ang isang pang residente na hindi na binanggit ang pagkakakilanlan, ayon sa report.

Idinagdag pa ng opisyal na nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine Army upang matugis ang responsable sa pananambang.

Glazyl Masculino