Kinilig na naman ang mga tagahanga at umaasang magkakabalikan ang mag-ex jowang sina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao matapos umanong paringgan ni Wil si Alodia sa pamamagitan ng 'bulaklakaw' Facebook post.

Ibinahagi ni Wil sa kaniyang FB post ang litrato ng isang bulaklak na nasa sahig.

"Wow…may nahanap ako bulaklakaw dito nang lumabas ako sa pool. Di ko alam kung may sikret admirer ako o may daga na naglalaro sa mga halaman dito. Daga man o tao, salamat p0. Greytpul naman ako sa mga nag-eeffort," ani Wil.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Screengrab mula sa FB/Wil Dasovich

Bago nito, nauna na ang Facebook post ni Alodia kung saan ibinahagi niya ang kaniyang litrato na may hawak na malaking bouquet ng sunflower, na natanggap daw niya sa isang 'kaibigan'.

"Wow, who sent me flowers again?? It’s huge.. Hopefully, as huge as your… friendship," aniya.

"And yes, I know Valentine’s is just around the corner. Please send me a Google Calendar invite so I am reminded that day. Para sure. But I’ll decide if accept or decline joke."

Screengrab mula sa FB/Alodia Gosiengfiao

May be an image of 1 person, flower and indoor
Screengrab mula sa FB/Alodia Gosiengfiao

Marami naman sa mga netizen ang humuhula na baka si Wil ang nagpadala ng sunflowers kay Alodia.

Hangad nila na sana raw ay magkaayos na sina Wil at Alodia dahil marami ang nanghihinayang sa kanilang love story.

"Hahaha. You really still want to have a good relationship kahit break na which I think is good naman if you had a mutual decision with this."

"Kanta na lang tayo ng 'Wala Na Bang Pag-ibig'. Sana po magkabalikan na kayo at for a lifetime na talaga pagmamahalan n'yo po."

"Ayieee naka-stalk pa rin kay Bebe Alodia namin. Nakita mo lang yung sunflower eh."