Agaw-atensyon ngayon ang isang punong saging sa isang farm resort sa Nueva Ecija dahil sa paglabas kaagad ng puso nito.

Sa pahayag ng mag-asawang Leonardo at Ruby Ann Taña, caretaker ng isang farm resort sa Sitio Bagnoy, Brgy. San Juan, Aliaga, na pag-aari ng mag-asawang sina Edgardo at Rosielyn Benedicto, napansin nila ang biglang paglitaw ng puso ng saging nang bisitahin nila ang lugar kamakailan.

"Nagtataka nga kami eh nang makita namin 'yan. Akala namin ay dahon, puso na pala," kuwentoni Leonardo.

Madalas na aniyang pagkaguluhan ng mga bata at matatanda ang nasabing puso ng saging na ilang buwan nang nakatanim sa lugar.

Probinsya

Suspek sa pinatay na 7-anyos na batang babae, nakainom bago upakan ang biktima!

Naging patok na rin umano ang lugar dahil sa nasabing 'kakaibang tanawin' na kinaaaliwan ng lahat.

Sabi niya, inaalagaan pa rin nila ang nabanggit na punong saging at hindi nila ito tatanggalin sa lugar.

Sa ngayon, wala pang paliwanag ang mga eksperto sa agrikultura sa bihirang pangyayari.