Walang pakundangang inamin ni Kapuso actress at fashionista celebrity na si Heart Evangelista na marami siyang naranasang 'bloopers' sa mga panahong dumadalo siya sa Paris Fashion Week at nakikirampa sa mga kilalang fashion models at icons na naiimbitahan sa isa sa mga mahahalagang fashion events kada taon.

Sa pamamagitan ng Tiktok ni Heart, sinagot ng misis ni Sorsogon Governor Chiz Escudero kung mayroon ba siyang mga hindi malilimutan o pinaka-espesyal na mga alaala sa mahabang panahon na hindi niya pinalalampas ang event na ito. Nabanggit nga niya na nakaapak pala siya ng dumi o ebak ng asko habang todo-posing sa isang shoot.

Nangyari umano ito sa haute couture show ng fashion brand na Schiaparelli sa pagitan ng 2017 at 2018.

“It all happened in one day. I stepped on a dog (poop), and I didn’t know that,” aniya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"So I took photos with Sweet Escape (isang global photography service). I totally uploaded it on my Instagram Stories. Tapos naka-pose akong ganyan, and may poop yung floor tapos nasa Louboutin kong shoes na brown, na gano’n, and then I didn’t know."

Saka lang niya napansin na nakaapak na pala siya ng echas nang pumasok na siya sa venue na hindi naman open space.

“So aside from pumasok ako doon sa fashion show na hindi siya open space, so nangangamoy ako. Ang bango-bango ng amoy ko, puwedeng ipalaman sa pandesal."

Bukod sa pagkakaapak sa dumi ng aso, naibahagi rin niya na pumasok sa 'train' ng isa sa mga couture gowns na may price tag na 20 milyong piso ang takong ng suot niyang Christian Louboutin shoes na ikinawakwak ng train ng modelo.

“Dumaan yung model, and then sumabit yung shoe ko sa kaniya. Napunit yung buong train. So lahat sila nakatingin sa akin. And then noong umikot na sila kapag ending, curtain call. Pag-ikot nilang ganoon, akala ko nakaligtas na ako. Ang liit-liit ko naman, hindi ko alam kung paano sumabit sa shoe ko yung ano niya (train ng gown). I think it was like the spikes on my shoe that got caught."

"It was a very special moment. Not like a special, happy moment, but it’s something that really doesn’t happen normally.”

Gayunman, hindi pa rin ito nakahadlang kay Heart upang dumalo sa Paris Fashion Week.