Bumirit ang Kapamilya singer na si Jona Viray sa naganap na Pink Sunday Rally nitong Linggo sa Quezon City Circle. Pormal din na in-endorso ng Pinay diva ang Leni-Kiko tandem para sa eleksyon sa Mayo.

Isa si Jona sa mga dumaraming celebrities na suportado ang tandem nina Presidential candidate Vice President Leni Robredo at Vice Presidential aspirant Senador Kiko Pangilinan sa darating na eleksyon.

Suot ang pink na t-shirt na na may naka-imprentang Leni-Kiko, bumirit ang Kapamilya singer sa naganap na “Pink Sunday Grand Rally” ng Team Leni-Kiko.

Kinanta ni Jona ang OPM classic ni Lea Salonga na “Tagumpay Nating Lahat.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Bilang first-time voter po ever, ipinagkakatiwala ko po at ibinibigay ko po ang aking boto kay Leni Robredo at kay Kiko Pangilinan, para po sa kinabukasan ng ating bayan,” pormal na pag-endorso ni Jona sa tandem.

Basahin: Jona Viray, nagpatayo ng animal shelter para sa kanyang higit 70 rescued cats and dogs – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid