Hayagan ang paglalabas ng saloobin ng makata at Pinoy rock icon na si Dong Abay hinggil sa mga usaping politikal.

Sa kaniyang latest tweet ay tila may pinakikinggang kandidato si Abay.

"Nagrereklamo ka sa taas ng buwis na binabayaran pero ang iboboto mo certified tax evader," ayon sa kaniyang latest tweet nitong Pebrero 13, 2022.

May hashtag itong #HuwagMagingLangawSaTae at #NoToMarcosDuterte2022.

Tsika at Intriga

Herlene kay 'Kuya' ng PBB: 'Pasok mo ko, talakan ko lang mga namamlastik kay Ashley!'

Screengrab mula sa Twitter/Dong Abay

Sa isa pang tweet, "May pa-CCTV at doberman ka pa para di ka manakawan pero ang iboboto mo magnanakaw."

Screengrab mula sa Twitter/Dong Abay

Aniya, wala raw siyang pakialam kung hindi magustuhan ng karamihan ang kaniyang mga sinasabi, at kung wala itong 'sense of humor'.

"FYI: I'm not a social media influencer. I'm just a microblogging humorist. I'll speak my mind, just write and I don't fucking care if you have no sense of humor. #butthurtoftheworldunite.

Screengrab mula sa Twitter/Dong Abay

Inilarawan din niya ang karaniwang kalakaran sa tuwing sasapit ang eleksyon.

"Pambansang piyesta ang eleksyon."

"Puro palamuti, parada, pagtitipon."

"Paghahandaan ka pa nila ng pansit at lechon."

"Pag binoto mo sila gutom ka pa rin buong taon."

Screengrab mula sa Twitter/Dong Abay

Si Dong Abay ay founding member ng mga bandang Yano, Pan, at dongabay. Noong 2017, itinayo niya ang bandang Dong Abay Music Organization or D.A.M.O.

Pinakasikat na awitin niya ang 'Banal na Aso, Santong Kabayo' na hanggang ngayon ay naririnig pa rin sa radyo at ginagamit na piyesa sa mga singing contest.