Game na game na binasag ni DJ Mo Twister ang mga basher na bumabatikos sa kaniyang mga tweet hinggil sa eleksyon at mga usaping pampulitika.

May mga hater daw kasi na kumukuwestyon sa kaniyang mga pagkuda sa social media; meron na raw ba siyang ambag o nagawa sa Pilipinas?

Bagay na diretsahang sinagot ni DJ Mo sa kaniyang tweet nitong Pebrero 12, 2022.

Events

Sa pagtakbong senador ni Willie: Wil To Win, magpapatuloy pa ba sa ere?

Screengrab mula sa Twitter/Mo Twister

"For all you #BBM bandwagoners who keep asking me: 'Eh ikaw, ano ba nagawa mo para sa (Philippine flag)?;" ayon sa kaniyang tweet.

"My answer is: 'Wala.'"

Binanggit ni DJ Mo ang inisyal na 'BBM'.

"Like BBM, I have done nothing significant for the country."

"Unlike BBM, I haven’t stolen significantly from the country either."

"And I’m not running for President!"

Samantala, may paalala naman siya sa mga tagasuporta ni Vice President Leni Robredo noong Pebrero 9, 2022.

Screengrab mula sa Twitter/Mo Twister

"Stop saying #Kakampink. SAY HER NAME. Say her name every single time. You want to address her fan base? SAY HER NAME. I said it months ago - enough with riding on colors. Say LENI's name, say ROBREDO, every chance you get."

May pahabol naman siya sa mga botante na ang pipiliin umano ay si presidential aspirant Bongbong Marcos, na tweet niya noong Pebrero 9, 2022.

"If you're 50 years old and over and you're voting for Marcos, putangina mo. If you're in your 40's, maybe your memory is bad -- tanga mo. If you're 18-35yrs, your school and family failed you. You should learn to read. Shame."

Screengrab mula sa Twitter/Mo Twister