Na-meet ni Senatorial aspirant Chel Diokno ang fashion icon na si Heart Evangelista. Kagaya ng sinumang fan ng Kapuso actress, ‘fanboy’ mode din ang human rights lawyer sa presensya ni Heart.

Sa isang Facebook post nitong Linggo, Pebrero 13, ibinahagi ni Diokno ang kanilang larawan ng aktres. Makikita pang nag-pose din si Heart ng “C” hand gesture, kilalang campaign signature ng senatorial aspirant.

“Fanboy mode muna ang lolo niyo! [emojis] Talagang na-startruck ako,” saad ni Diokno.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Larawan mula Atty. Chel Diokno via Facebook

Binati rin ng senatorial candidate si Heart para sa nalalapit nitong kaarawan sa Lunes, Pebrero 14.

“Advanced happy birthday, Heart. It was nice to finally meet you in person! [emoji]” dagdag ni Diokno.

Samantala, una nang ibinahagi ng aktres sa kanyang Twitter ang "kilig" moment siya sa senatorial aspirant.

https://twitter.com/heart021485/status/1492697768095145987

Si Diokno ay isang human rights lawyer na nagtatag ng Free Legal Assistance Group (FLAG) na nagbibigay serbisyo para sa mga walang kakayahang magbayad ng abogado para sa ilang legal aids.

Kung mahahalal na senador, isusulong ni Diokno ang pagpapalakas ng serbisyong legal sa bansa sa pamamagitan ng pagpapaigting ng mga kaugnay na serbisyo sa mga baryo.

Basahin: Diokno, isusulong ang libreng akses ng legal aid sa mga baryo sakaling maupo sa Senado – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid