Pinalagan ni Unkabogable Star Vice Ganda ang mga kumakalat na chika sa social media na galit umano siya sa kaibigang si Toni Gonzaga dahil sa ginawa nitong pagsuporta sa UniTeam, partikular kay presidential aspirant Bongbong Marcos, at sa isyu ng pagpapakilala nito sa senatorial candidate na si Cong. Rodante Marcoleta, na isa sa mga nanguna sa panggigisa sa ABS-CBN noong franchise renewal.

May mga nagsasabi pa na ipinagtatanggol daw niya si Toni sa desisyong ginawa nito.

"Andaming fake news at wrong informations sa TIKTOK! Haaaay!!!! Mga contents na pag-aawayin ang mga tao. Uudyokin kayo para magalit. Andaming masamang tao na lalong pinagugulo ang mundo. Wag kayong pabiktima," pahayag ni Vice Ganda sa kaniyang tweet nitong Pebrero 11, 2022.

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

Screengrab mula sa Twitter/Vice Ganda

Image
Vice Ganda at Toni Gonzaga (Screengrab mula sa Twitter/Vice Ganda)

Inilakip ng TV host-comedian ang screengrab ng isang TikTok video na may text caption na 'Vice Ganda reacts to Toni Gonzaga'. Ang reaksyon daw niya ay 'We all have the right to choose, so please respect Toni's decision as well.' Pinabulaanan ni Vice na hindi ito totoo.

Tinawag niyang 'evil' o masama ang ganitong gawain ngayon sa social media.

"Sobrang rampant na yung dumudukot sila ng iba't ibang clips from different sources tapos tinatahi para makabuo ng isang peke at maling video. Ang evil!"

"Tapos yung mga tao naman nahuhulog sa patibong at nagko-comment nang masasama."

Kaya paalala ni Vice sa madlang pipol, "Maging mas mapanuri sa mga contents na paniniwalaan."

Screengrab mula sa Twitter/Vice Ganda

Nagkatrabaho sina Vice at Toni sa romantic comedy movie na 'This Guy's in Love with U Mare!' kasama si Luis Manzano noong 2012, sa ilalim ng Star Cinema.